My Amnesia Girl, Tokyo Cafe at Starbucks

by salbehe on December 6, 2010

Last Sunday, nagyaya si Kuhrach mag-MOA, maglunch, manood ng sine, pagkatapos ay mag-foodtrip. Masama talaga ang pakiramdam ko noong Linggo, inuubo, sinisipon, masakit ang lalamunan, pero dahil naka-oo na ako, tumuloy pa din ako. Nga pala, sa mga hindi nakasama alam nyo na kung kanino kayo magtatampo, hindi sa akin.

Dahil pareho kaming taga-Quezon City ni Vajarl, nagkita muna kami sa Trinoma bago pumunta sa MOA. Late si Vajarl ng isang oras, and I’m very thankful that time dahil isang oras lang syang late. Pagdating namin sa MOA, ang unang nasabi sa amin ni Kuhrach ay, “Gutom na ako”. Walang Hi, walang Hello. Kaya nagmadali na kaming kumain sa pinakamalapit na kainan na konti lang ang tao. Noong Linggo kasi ay siksik, liglig at nag-uumapaw sa dami ng tao ang MOA.

Bago pumunta sa sinehan, nadaanan ko sa McDo si Yanah. Itong si Yanah kasi, hindi lang sa blogosphere nagpapakalat kalat na parang tae, sinama pa ang MOA sa kanyang kasilyas. Jokeee! Nagkita din uli kami nila Arvin at Joel. Side story lang ito.

Sa sinehan, hindi kami magkasundo ng papanoorin. Gusto ko ng My Amnesia Girl, ayaw ni Vajarl ng The Next Three Days, ayaw ni Kuhrach at Vajarl ng My Amnesia Girl. Dahil ipinanganak akong palaban, nanood kami ng My Amnesia Girl. Habang nanonood, nakakahiya ang dalawang kalapit ko dahil wala nang ginawa kundi magmura! Ang lulutong ng mura ng mga huwalanghiya dahil sa mga cheesy eksena ni Papa John Lloyd at Toni. Eh bakit kasi kayo pumayag? Sisihin ba daw ako! Ako na walang malay! Ako na may sakit! Ubo! Ubo!

Pagkatapos nang isang oras at kalahating kalbaryo na inabot ko sa loob ng sinehan (nadadamay kasi ako sa mga mura nila), nagkitakita na kami ni Lababo. Para pampalubag loob sa mga nagalit sa akin, ililibre ko sila ng meryenda, pero sabi ko kailangan ang pagkakainan namin ay pwede ang credit card dahil wala akong cash. Naisip ko ang Tokyo Cafe, at hindi ko pa din ginawang madali para sa lahat dahil dalawang beses kaming umikot sa MOA para hanapin ang Tokyo Cafe. Minsan masarap lang talagang mag-trip.

Sa Tokyo Cafe, sa tingin ko ay sinulit naman nila ang pagkainis sa akin. Umorder sila ng tig-iisang pasta (Napolitan, Pescatore at isa pa) at Seafood Pizza. Dahil sinisipon na nga ako, umorder lang ako ng ice cream and cold water.

Pagkatapos kumain, pasyal pasyal, tingin ng libro, laptop, camera, ebook reader, Blackberry, napagod si Kuhrach, nagyaya magkape, libre naman nya. Kwentuhan, napag-usapan ang man of the hour last week, ibang blogger na hate and like namin, nang-urirat ng buhay ng isa’t-isa, new year’s resolution, etc. Si Lababo, tumitigil ang mundo kapag may magandang babaeng dumadaan, biglang nawawala sa usapan. Si Kuhrach, mukhang manhid na sa mga lalakeng nagdadaan, ang dami kayang lalake sa construction site.

Pagkatapos gala uli, tingin ng damit, tingin ng VCD, DVD, boys, girls. Hanggang sa mapagod, umuwi na. Dahil mukhang pinalayas na naman sa kanila si Vajarl at may mabuti akong puso, kunupkop ko muna sya. Bago kami natulog nanood muna kami ng porn, also known as indie film entitled Sarong Banggi na mas maganda pa ang My Amnesia Girl ng 100 points!!!

Ngayon, kanina lang, now lang, sinisisi nila ako dahil para daw bukas na gripo ang ilong nila dahil sa sipon. Kasalanan ko ba yun??? Ako na walang malay! Ako na may sakit! Ubo! Ubo!

Oppss.