Galing sa Formspring, eto ang teykwan.
Masarap?
Ahihihihi. Lentek ka.
>salbehe responded to blsbs, 3 months ago
kung isa kang produkto at kailangang ibenta mo ang iyong sarili sa isang tao ‘gusto’ mo, paano mo gagawin ang sales talk?
Pwede bang huwag na lang magsalita? Mahina kasi ako sa sales talk. Maghuhubad na lang ako agad. :)
>salbehe responded to thecheesecake, 2 months ago
Ano ang konsepto ng pagmamahalan sayo?
Love is both holding on and letting go. Know when to fight for your man and when to let him go.
>salbehe responded to JKulisap, 2 months ago
Mind over heart? Heart over mind? san ka?
Heart over mind. Ang pusong nasusugatan kasi ay nag-iibayo ang tapang. Samantalang ang sugatang utak ay may cancer.
>salbehe responded to petitay, 2 months ago
Do you have a pet? what is it?
Dati may aso ako, namatay. May pusa din ako, namatay din. Sinubukan kong mag-alaga ng hermit crab, namatay. Gusto mong maging pet ko? JOKEEEE!
>salbehe responded to petitay, 2 months ago
If you had to choose an unnatural way to die/be executed, what would it be? And why?
Gusto kong mamatay sa pamamagitan nang pagne-nailcutter ng leeg ko. Minsan lang ako mamamatay kaya sana madama ko ang bawat sandaling masakit. Chos.
>salbehe responded to petitay, 2 months ago
How do you cheer yourself up when you’re feeling blue?
When I’m feeling blue, nagsu-suot ako ng damit na color blue. Katulad nang kapag when I’m feeling red, red naman.
>salbehe responded to petitay, 2 months ago
What is one thing you miss as a kid but no longer do or can do?
Pagtakbo sa kalye ng walang panty.
>salbehe responded to petitay, 2 months ago
Saan makakakita ng boss na perpekto?
Wala nyan dito sa mundo. Walang perpekto dito. Try mo sa Jupiter.
>salbehe responded 2 months ago
Kung isasapelikula mo ano ang tagline na malupet ang ilalagay mo?
Nasagot ko na ito dito: http://taglines.posterous.com/watchooweytin-por
>salbehe responded to joyo, 2 months ago
What’s the worst thing you did when you were drunk?!
Umiyak. Hindi pa din makalimutan ng mga kaibigan ko na umiyak ako. :)
>salbehe responded to RunMD, 2 months ago
ano ba ang pinaka mainam na remedyo sa isang taong walang matibay na plano sa buhay? iniisip ko ng magpukpok ng vase sa ulo >:)
Ibigay mo ang vase sa akin, ako ang pupukpok sa iyo.
>salbehe responded to PirateKeko, 6 weeks ago
Katakam-takam ka ba?
Ayos lang. Kung baga sa bigas, NFA rice. Hindi kamahalan, hindi kasarapan, pero take note, pinipilahan.
>salbehe responded to JKulisap, 6 weeks ago
Ano ang sabi nung 24th text message sa cellular phone mo?
Binura ko lahat ng nasa Inbox ko dahil ayaw ko sagutin ang tanong na ito.
>salbehe responded to blsbs, 6 weeks ago
Malamig ba ang pasko mo?
Hindi malamig ang pasko ko. Ito ay malagkit. Ikaw na ang bahalang mag-isip kung bakit malagkit. :)
>salbehe responded to PirateKeko, 5 weeks ago
dahil nakikiuso ako, anung gagawin mo sa 400 Million Pesos?
Bibili ako ng beach, magpapatayo ako ng beach house, at dun na ako titira habambuhay. Bibili din ako ng lalake.
>salbehe responded to thecheesecake, 5 weeks ago
Kung pwede kang mamili sa mga sumusunod, anong kulay ng tae ang gusto mo? A.) Baby Blue B.) Neon Green C.) Magenta D.) Brown, pero habang nilalabas mo may kasamang tinidor.
D.) Brown, pero pagkalabas ng tinidor ipangkakain mo ng spaghetti.
>salbehe responded to vajarl, 5 weeks ago
Anong super powers ang gusto mong magkaroon?
Nakamamatay na utot.
>salbehe responded to RunMD, 4 weeks ago
bakit ang Pinoy mahilig magreklamo na “bulok ang sistema”, eh hindi ba parte rin tayo ng sistema, edi bulok tayo ganun?
Mareklamo tayo kaya tayo bulok. Ganun.
>salbehe responded to PirateKeko, 2 weeks ago
Naiinis ka ba sa mga inglesero sa pampublikong sasakyan?
Yeah. Like they are so much maarte.
>salbehe responded to petitay, 2 weeks ago
Mamili: Girl, boy, bakla, tomboy, butiki, baboy, halaman… Hindi pwedeng piliin ang halaman.
Baboy. Gusto kong binababoy. Bohahahaha!
>salbehe responded to RunMD, 2 weeks ago
Kung may isa kang gustong itanong sa akin, pero nahihiya kang tanungin… ano yun?
Wala. Wala akong hiya.
>salbehe responded to RunMD, 2 weeks ago
bakit ang pagkain ilang oras kung lutuin pero ilang minuto lang kung kainin. Madaya ba talaga ang oras o tayo ang gumagawa ng sariling pag iisip na may kinikilingan ang panahon.
Bakit ang daya mo? Favorite color mo lang ang tanong ko sa iyo!
>salbehe responded to PirateKeko, 2 weeks ago
kaya mo bang magsinungaling sa kaibigan mo?
Oo naman. Sa nanay ko nga kaya kong magsinungaling sa kaibigan pa.
>salbehe responded to imzebzeb, one week ago
Bakit lagi na lang natin sinasabi na may ‘next time’ pa naman sa kabila ng isang katotohanan na ang salitang ‘next time’ ay walang kasiguraduhan ?
Next time ko na lang sasagutin ito.
>salbehe responded to PirateKeko, one week ago
Sa iyong music player, press shuffle/random. Press next >>I five times. Anong song yun? Irelate mo sa buhay pag-ibig mo. Kung walang buhay pag-ibig, sige sa buhay mo na lang irelate. Gandahan ang sagot, mas okay kung bastos. GQ ‘to ha. (Group Question)
10,000 Stones by Adrianne. Sa tingin ko ito ang pekpertong kanta para sa mood ko ngayon. The stones are the troubles in our lives. They drag us down. The song starts talking about how they will tear us apart, but at the end she talks about how they saved a fool in her and how they are a blessing and have built the best in her. This can apply to so much in our lives. Things we think we can’t live through, end up making us stronger people in the end.
A brillant song full of hope and sadness.
Copy-paste ang paliwanag galing sa Google. Ang tamad kong mag-isip.
>salbehe responded to blsbs, 4 days ago
Kung ikaw ay oras, anung oras ka? parang tanga lang ang tanong ko.
6 o’clock, tuwid na tuwid, mukhang naka-attention! Parang tanga din lang ang sagot ko. :)
>salbehe responded 28 minutes ago
May 60 questions pa akong hindi nasasagot, kaya tigilan nyo na magtanong. Gusto ko nang isara ang pornspring ko. :(
0