Panickan na Naman
by salbehe on January 14, 2011
Ang grupong Panickers ay nabuo noong nagkaroon ng trip sa Caramoan Group of Island, Camarines Sur. May 1 yun, dapat ay summer pero dahil sa hanepshet na climate change, binagyo kami at na-istranded ng apat na araw sa isang isla sa Caramoan. Ano pa ba ang magagawa namin kundi magbonding ng bonggang jabongga. Yung tipong pagkagising sa umaga, inom. Bago matulog, inom uli.
Dahil binagyo nga kami sa Caramoan, noong pinasok ng tubig ang loob ng bangka, nagpanic kami. Kapag nagkakagulo sa bahay na tinulyan namin, nagpapanic kami. Kapag nagpapalpitate na ang puso (at ulo) dahil sa sobrang kalasingan, nagpapanic kami. Kapag may nababasag sa amin at sumasayaw kasabay ang paghuhubad, natutuwa nagpapanic kami. Kapag naiinlab, oo, nagpapanic kami. Hence, the Panickers.
Bandang May, pumunta kami sa Nagsasa Island Cove. Bukas ang Christmas Party namin, late na pero kebs lang at eto ang sulat ni Roi para sa Panickers.
Dear All,
Nalalapit na ang January 15. Panickan na naman. Nais ko lamang magbigay ng ilang paalala. :)
• Kailangan ko sana ng eksaktong headcount para sa pupunta sa sabado, alam nyo na, panic hut lamang iyon, para maestimate ko at maplanu kung sinu ang matutulog sa labas ng kubo. Haha! ;)
• Malamig ang panahon ngaun sa lugar na kinatatayuan ng aking panic hut, magdala ng jacket. Para sa may mga kasamang pag-ibig, ndi ito problema, sa mga wala, handa ako maging human blanket nyo. Bwahahaha. ;)
• Dahil wala sa gitna ng kabihasnan ang aking Panic Hut, bilhin at dalhin na ninyo ang lahat ng inyong kakailanganin dahil ang mga tindahan sa aming lugar ay nagsasara na ng 10pm, no extension. Karagdagang paalala, Redhorse lang ang beer na nabibili dun maliban sa ibang “hard drinks”. Kung may iba kaung gusting inumin, bumili na kayo bago pa kayo pumunta sa aking kubo.
• Friday pa lang e pauwi na ko sa Panic Hut para tingnan ang sitwasyon duon. Aantayin ko na lamang kayo sa Sabado, aasikasuhin ko pa ang pag renta ng videoke para sa kasiyahan nyo. Na kay Cielo ang instructions kung paano pumunta sa amin. Sabihan nyo ako kung anu oras kayo aalis para alam ko kung anu oras ko kau susunduin sa babaan ng bus. Text me 09175621xxx.
• Maghanda sa panikan, sabi ko nga, maliit ang aking kubo pero mas malaki naman ito kumpara sa Panic Room. Alam ko namang walang maarte sa inyo kaya ako pumayag na mag host ng ating party.
• Tuloy pa ba ang exchange gift?
• Ang mag coordinate sa inyo ay si Cielo, lalo na at mauuna na nga ako sa aking kubo. Kung byahe kayo, mga 3hours siya mula sa Pasay. Basta byaheng Alfonso ang sasakyan nyo. Sa bayan mismo ng Alfonso ang baba nyo. Pag wala kayong masakyang Alfonso na derecho, pwede kau mag Dasmarinas, baba kau sa Robinson Dasma at doon sumakay ng byaheng Alfonso. Malalaki na kayo, kaya nyo na yan. Wag magpanic sa byahe.
Kitakits sa Panikan sa Jan 15 – Jan 16!
Excited ako. *excited* EXCITED!

