We’re gonna party like, like it’s 2012
by salbehe on January 10, 2011
Sa pitong araw ng unang linggo ng 2011, limang araw akong may gimik. Kesehodang weekdays. Isang linggo din akong late sa opis, pero okay lang dahil hindi ko naman new year resolution ang hindi na malalate. It’s so last year!
Sa limang gimik ko, ang ikukwento ko ay yung inuman noong Friday sa California Garden (CG)dahil sa mahabang panahon hindi bloggers ang kasama ko kundi mga college buddies, sina Hya, Brother at Jape (in his dreams, dahil natulog sya sa tabi namin habang kami ay nag-iinuman). Nandun din si Aaron, Jero at Cielo.
Special guest si Cielo dahil hindi naman sya nakatira sa California Garden, nagkataon lang na nung gabing yun ay dun sya matutulog dahil may lakad sila ni Jape kinabukasan nang madaling araw papuntang Bacolod. Kung bakit silang dalawa ang magkasama, ayaw kong magkwento ng hindi ko naman kwento.
Red horse mutcho ang tinira namin, pulutan ang sari-saring kwentong shit. 2:30AM, nag-alarm na ang phone ni Jape, nag-iinuman pa din kami. Paktay si Cielo. Nagmadali na kaming mag-ayos ng gamit. Kasabay ko silang bumaba at pumunta sa lobby para sumakay ng taxi, ako pauwi, sila papuntang airport.
Pagkagising ko, masakit ang sakong ko. Tsaka ko lang naalala na sa kalasingan, literal na hindi ko na alam kung pantay pa ang tinatapakan ko kaya natapilok ako. Argh. Naalala ko ding maraming nakakitang tambay sa labas ng CG habang nagtatawanan pa kami sa pagkasemplang ko. Naka-dress pa man din ako. Tae lang, right? Naalala ko ding inabot ng Php400 ang binayad ko sa taxi dahil ilang beses akong lumampas sa inuuwian ko, tapos bumalik, pagkatapos ay lumampas uli. Punyetang Php400, para akong nagbyahe papuntang langit Baguio. Hindi ko na alam kung paano ko nahila ang sarili ko sa second floor.
Kanina lang kausap ko si Cielo at ito ang kwento nya, “Salbe, grabehan yung byahe ko nung Friday, taenang experience na yun. Ang saya! Gusto ko maulit, hahaha. Pagbaba ko ng taxi, nagsuka ako. Humilata at natulog sa Terminal 3. Si Jape, nagpanic baka mahuli daw kasi kami, paduwal duwal pa daw ako. Grabeee, lasing sa airport, salamat sa experience na yun.”
Ang sagot ko? “Bwahahahahahaha!”

