Makeover
by salbehe on February 25, 2011
Dalawang beses ko nang nakakasama si Essy at Mamita mag-ukay-ukay sa mall na malapit sa amin. Bukod sa murang bag, blouse, skirt at sapatos eh murang mura talaga ang bag, blouse, skirt at sapatos.
Bag: P100 – P350
Blouse: P50 – P80
Skirt: P65 – P75
Sapatos: P200 – P500
Ang bag at sapatos ay 70% off pa. Kami na ang dukha, hampaslupa, kumakain ng relief, kumakain ng kangkong. Walangyang ‘yan. Na-adik talaga kami kakabili sa ukay.
Tuwing namimili kami sa ukay o kahit sa mall, lagi kong sinasabihan si Essy na huwag nang bumili ng pantalon dahil ang boring boring magpantalon. Iisa lang ang istayl at lahat halos ng nakakasalubong nya ay nakapantalon na. Bukod pa sa nagmumukha na talaga syang magsasaka. Nakumbinsi ko naman si Essy at eto ang bago nyang profile picture sa Facebook.
Blouse, skirt and shoes courtesy of ukay.
Nag-i-skirt na ngayon si Essy at ang landi na.
Konti pa, Essy, konti pa.

