Prelude To a Great February
by salbehe on February 2, 2011
Sa tingin ko, ang binubuo naming alumni association ng academic organization noong college ay isang matibay na motivation para mabigyang katuparan ang aking new year resolution. Kung hindi mo na-gets ‘yan, huwag mo nang intindihan. Ang mahalaga ay importante magiging busy ako sa mga susunod na buwan para makalimutan ang sugatan kong puso ngunit lalong mabubugbog ang dati nang bugbog saradong atay.
Sa madaling salita, ang kawalan ko ng lablayp ay pupunuan ko na naman ng sandamakmak na inuman social layp.
Game!
Noong Friday, nagkita ang mga dating magkaka-org. Nag-meeting kung papaano magiging pormal ang alumni association at magkaroon naman kami ng silbi sa buhay. Dahil iilan lang ang nakarating, member ako ng Board of Trustees. Pwede daw ilagay iyan sa Curriculum Vitae. Bongga!
Malapit lang sa meeting place ang Tiendesitas, bukod dito, sunog baga ang mga kasama ko kaya dumeretso kami sa Tiendesitas. Alas diyes na kami nakapagsimulang mag-inom na kung tutuusin ay late na ito para magsimulang tumoma kaya pagdating sa Tiendesitas ay party mode na. Yung tipong ang simpleng kantang Laklak ay ginagawa ng disco song at ang tapat ng stage ay dance floor na.

Aliw factor? Ferpect ten!
Ang saya makakita ng lasing na todo sayaw, kahit wala sa tyempo o kahit walang kasama. Solo flight si Koya! Ang lasing na ito ay nang-agaw pa ng mic, and the crowd goes wild with him. Basta ganun kasaya, game na game ang crowd sa lasing na ginagawang kahihiyan ang kanyang sarili.
Habang lumalalim pa ang gabi, naiinggit kami sa dumadaming tao at nagkakagulong dance floor. Ang problema, hindi pa kami ganun kalasing para makipag-shembotan sa madlang pipol dahil nakakadalawang bote pa lang kami ng San Mig Light. Ang solusyon? Nagpanggap kaming lasing. Perstaym kong gawin yun, sobrang nakakahingal sa kakatawa! Alam ko pa kasi ang ginagawa ko at hindi ko mapigilang matawa sa kahihiyang ginagawa ko sa sarili ko. Kung lasheng lang ako ay kebs na. Kumbaga, may valid excuse na akong sumayaw na parang nag-sha-shampoo at nagsasabon. Kung hindi mo na naman na-gets yan ay hindi ka pa nakakapasok sa gay bar.


Sa pagtatapos ng gimik na ‘to, napag-usapang magkikita uli kami sa Feb 14 at sa huling gabi ng Feb Fair. Sana hindi kami magkasawaan dahil mukhang madami pang ganitong meeting. It’s Elbi nights all over again.
Hindi ko malilimutan ang Elbi nights,
Dito nabubuo ang lahat.
______________________________________________________________
Thank you Mario sa pictures. Nasabi ko na ang gusto kong sabihin sa Facebook mo.

