Tangled at Horoscope
by salbehe on February 10, 2011
Tangled
Isa sa perks nang pagiging Single (Oo, capital S) ay nayaya ka sa mga biglaang lakad. Katulad kagabi. May friend ako na gustong gamitin ang discounted cinema ticket nya dahil ma-e-expire na at dahil madali akong yayain, nanood kami ng Tangled.
Hindi naman kami nagsisi! Wagas na wagas ang tawa ng kasama ko na mas malakas pa sa tawa ng 3-year old na kasabay namin manood. Simple lang ang kwento ng Tangled, at dahil simple din lang kaming nilalang na may mababaw na kaligayan, bentang benta sa amin.
Next time uli Aiza, yayain mo uli ako lalo na kapag libre.
(Picture is from the most reliable source on internet, Google.)
Horoscope
Huhulaan ko ang blog na ito.
Sa darating na Valentines, hindi magpapaka-emoshit ang may-ari ng dotcom na ito. Bagkus, uulan dito ng mga puso at pagmamahal. Mangingibabaw ang huni ng pag-ibig. Mamumutakte ng cheesy lines dito.
Mandidiri kayo.
May isa pa akong hula. Dahil atat na atat na akong mag post para sa Valentines, gagawin kong mas maaga ang Araw ng Pag-ibig. Ang hula ko, bukas na.
You’ve been warned.

