Hit me baby one more time (Teyktri)

by salbehe on March 11, 2011

Galing sa Formspring, eto ang teykwan at teyktu.

Ano ang best landi move para magkalablyf na tau salbe?haha~~
Ang tip sa akin ng kaibigan ko ay magpabastos daw ako. Kaya kung tatanungin ka ng “ano ang pinakamasarap na pakiramdam na naranasan mo?”, isagot mo ng walang halong kaimpokritahan ay sex.
> salbehe responded to UnniB, 2 months ago

ano ang pinakamasarap na pakiramdam na naranasan mo?
Two years ago, nagkaroon kami ng trip sa Caramoan Group of Island, Camarines Sur. May 1 yun, summer dapat pero dahil sa hanapshet na climate change binagyo kami at na-istranded ng apat na araw sa isang isla sa Caramoan.
Sa apat na araw na yun, sarili namin ang isla. Noong mga unang araw, masaya! Kahit binabagyo kami, nagkakantahan at inuman galore. Yung pangatlo o pang-apat na araw, hindi na ako mapakali sa katawan ko dahil sa tagal ko nang hindi nalilgo ng maayos. Sa poso lang kasi o sa balon o kapag tinatamad mag-igib ay naliligo na lang sa rubbing alcohol.
Pag-uwi ko ng bahay, yung unang paligo ko sa totoong banyo, yun ang pinakamasarap na pakiramdam na naranasan ko.
> salbehe responded to PirateKeko, 2 months ago

oh yes sosyal ang totoo kong pangalan… pang mayaman at parang maka diyos wag mo lang pansinin yung last naman ahahaha
Gusto kong sagutin ito kahit hindi tanong. Tsaka na yung ibang tanong mo. :)
Ang tunay kong pangalan ay Salve Kristina Mogul. Salve ang ipinangalan sa akin bilang pagpupugay sa Nuestra Señora de Salvacion na Patroness of the Diocese of Legazpi, Albay. Taga Albay ang nanay ko.
The meaning of the name Kristina is ‘Follower of Christ’.
The term “mogul” is sometimes applied to a great personage or magnate. It’s my surname.
Nahihiya akong sabihin ang tunay kong pangalan dahil hindi bagay sa personality ko. Boooyeah!
> salbehe responded to cannedthoughts, 2 months ago

paano ang pinakamabisang paraan para hindi ka maasar sa isang tao.. Natry ko na kasing habaan ‘yung pisi ko. . haha..
Itali mo yung pisa sa leeg ng taong kinaaasaran mo.
> salbehe responded to PirateKeko, 2 months ago

are you a people pleaser?
Oo. Hindi ako makapagkwento/blog na may pagka-emoshit dahil feeling ko wala akong karapatan magreklamo. Bukod sa boplaks kong lablayb, okay sa olrayt ang buhay ko.
Maayos ang trabaho ko, madami akong kaibigan, masayahin ang aming pamilya, hindi ko man nakukuha ang gusto ko ay may luho pa din akong nagagastusan. At lintek lang, nakatira ako sa condo na de aircon kaya feeling ko wala akong karapatang mag-emo.
> salbehe responded to imzebzeb, 2 months ago

anong bagay ang hindi pwedeng mawala sa bulsa or bag mo?
Wallet at selepono. Wallet kasi andun ang Health card ko, for emergency purpose. Selepono kasi may porn na naka-save dun, for emergency purpose din.
> salbehe responded to sikoletlover, 2 months ago

sa tingin mo, pwede ka maging santo papa? santo mama pla
Isa sa paborito kong libro ay Then Came Heaven ni LaVyrle Spencer. Tungkol ito sa madreng na-inlove sa nabyudong lalake na may dalawang anak (Chessy much). Tatlong beses ko yatang nabasa ito at sa lahat ng pagkakataon yon, umiiyak ako (Madrama much). Tuwing matatapos kong basahin ang Then Came Heaven iniisip kong magmadre.
Kaya sa tingin ko, malaki ang potensyal kong maging santo mama.
> salbehe responded to malfunctionmode, 2 months ago

san ang pinaka weird/exciting place na gusto mo makipaglove making at bakit dun?
Gusto ko makasali sa Mile High Club. Its a term applied collectively to individuals who have sex while on board an aircraft in flight. One explanation for the club’s allure is the vibration of the plane, which may make arousal easier. (Wikipedia)
> salbehe responded to cannedthoughts, 5 weeks ago

Anong view mo sa mga umiidolo sayo?
Kung may umiidolo sa akin, maraming salamat. Sa totoo, madali lang ang ginagawa ko, nagkukwento lang naman ako at yun na ang tinatawag nilang blogging. Sa nababasa ko sa Tumblr, madaming nang gumagawa nyan at natutuwa ako. Madami akong nababasang chismis ng teleserye ng totoong buhay. (Salamat sa term na ito, Lio)
Huwag ka din ma-impress sa dotcom ko. Ultimate ego booster lang yan. Mas madaming magaling na nasa WordPress, Blogspot at Tumblr.
> salbehe responded 5 weeks ago

Do you finally know what you want to do in life? (Naks, a serious question.)
You mean purpose in life? Magbayad ng credit card.
> salbehe responded to mimicamille, 5 weeks ago

Kung magkakabulutong ka at pwede mo ilagay lahat isa isang parte ng katawan lang, san mo lalagay?
Sa bayag. Dahil wala akong bayag. :P
> salbehe responded to vajarl, 5 weeks ago

kung may gustu kang baguhin sa sarili mo, anu yon? in physical appearance.
Buhok. Gusto ko ng makapal na buhok. Mukha lang ang makapal sa akin.
> salbehe responded to Len26, 2 weeks ago

Kung magkakaroon ka ng pangatlong boobs, san mo to balak ilagay? -anoymous. lololol
Tae ang mga Anonymous! Hahaha!
Sa gitna ng dalawang boobs, para kapag naka-bra may kita pang isa.
> salbehe responded to taympers, one week ago

kung may isa ka nalang buhok sa ulo, gusto mo bang kinky ito, wavy o unat?
Bubunutin ko na lang para kalbo na.
> salbehe responded to ricodebuco, one week ago

ano ang bagay na nakakapag pa interesado sayo sa isang lalake?
Basta may balls.
> salbehe responded to cannedthoughts, 4 days ago