MADison Chapter 3: Revelations
by salbehe on March 29, 2011
Na-presyur ko yata si Kuhracha kaya hindi pa ako nakakasagot sa mga koments sa naunang kwento, nag-post na sya agad ng part 3. Thank you Kuhrach! Feeling ko ikaw na talaga ang pinakamatino sa gabing ito.
Madness. Yan ang Chapter 2 ng kwentong Madison ko. Masaya para sa mga nalasing at walang pakialam. Nakakatense para sa tulad kong affected-much-with-her-surroundings. Kaya nga I got out of there as soon as I could. Di na ko at ease sa mga nangyaring tension sa paligid. (Akala mo lang gets mo, pero hinde, hindeee!)
Chos!
So ayun. Bitin ako. Ewan ko sa kanila, pero paglabas namen sa Madison, bitin talaga ako sa kasiyahan, kalasingan, kakilegan at iba pang kabulastugan. Buti na lang ever accommodating si Salbe. Ang post birthday celebration ay na-extend sa condo nya. Yiiiiih!
Still with complete attendance, kumuha kami ng dalawang taxi dahil di kami kasya sa isa, obviously. Sina Salbe, Kulisap, Tarbs, Lababo at Lio sa Taxi 1. Kami nina Vaj, Roi at Tapa sa Taxi 2. Kelangan ko pa bang imention ang sitting arrangement? Hehe. Kupal. Di ko alam kung anong nangyari sa loob ng taxi nina Salbe.
Nagkakagulo sa taxi namin. Si Lababo, nag-so-sorry kay Lio. Si Lio, ine-english si Lababo. Pinagtatawanan namin ang seryosong usapang lasing nila. Napapailing na lang si Manong Taxi Driver.
Okay. So nakarating kami dun kina Salbe. Pagpasok namen ng condo nya, andun na sila at di ko alam kung pano kami nagkasyang lahat. May nakapagsabi na ba senyong uber… saya sa place ni Salbe?
FYI. Wala pang umaalis sa place ko na hindi naligayahan. [Insert maligalig na tawa here.]
Lahat kayo magiging close. Basta, noong gabing yon, walang space na hindi na-occupy. =) Andun din pala si Yanah na binulabog namen from whatever she was doing at that time. Pasensya ka na, Yanah. =)
![]()
Humilata na ang mga lasing. At yun mga nagpapanggap na matino ay bumaba para bumili ng maiinom na tatlong grandeng Happy Horse. Bumili din kami ng century tuna at skyflakes at clover chips para colorful pag sumuka, hindi lang puro red na hotdog ng Madison. Hehe.
Pagbalik namen sa condo, aba! May nakasalang na porn sa dvd player. Asian. Boring. Kung humalinghing, di malaman kung nasasarapan o nasasaktan. Pinalitan ng Whore of the Rings. Wala naman nanuod. Kasi busy na ang lahat pag-iingay at pagtagay, sa pangunguna ng aming tanggero na si Lio.
![]()
Eto na. Isisiwalat ko na!
Lio – Ang galing nyang tanggero. Pag nag pass ka, sasaluhin ka nya. Kahit di ka magpass, sasaluhin pa rin nya. Lol. Sa tingin ko favorite nya lang talaga ang Happy Horse.
Lababo – Potaenashet sa kaemohan ang mokong. To the point na iniiyakan nya ang kahungkagan ng lovelife nya. Inabutan cia ni Salbe ng panyo… puting panyo pala yon ni Tarbs. Hehe.
Vaj – Matino daw. Pag dating kina Salbe, pumwesto na agad sa kama. Di cia mapilit ni Lio na uminom pa. Sa tingin ko, di lang type ni Vaj ang Happy Horse.
Lio – Cia ulet. Dahil nakakatuwa cia. Naniniwala na ko talaga na nasusunog ng alkohol ang brain cells ni Lio pag umiinom cia. Bukod sa memory loss, hindi nya magawang tapusin ang slang na what-I’m-tryin-to-say-is sentence nya. Hindi nyo alam kung gano katagal kaming naghintay para matapos nya ang sentence nya. Paulet-ulet. Paulet-ulet. Paulet-ulet. Nakatulog na cia’t lahat, di namen nalaman kung anong gusto nyang sabihin.
Kulisap – Barubal cia sa blog. Low profile cia in person. Usually, para ciang kagalang-galang na tao kasi tahimik nga. Pero hindi nang gabing ito. Hinding hindi. Laughing trip sila ni Tarbs. Lalo na nung pinainom nya ito ng suka (vinegar).
Tarbs – Wahahaha. Wahahahaha. Alam ko naman kung baket nagwala ka na nung gabing ito. Grateful ako sayo. At oo, walang titu-titulo sa inuman. Wasak kung wasak. Kampaiiiiiii! Kampaiiiii! Walanju ka Tarbs. Basta isa kang fuck*n zowree yeah know!
Bakit hindi ko alam ‘to? Ang dami ko talagang nalaman pagkabasa ng post na ito ni Kuhracha.
Lio – Oo, cia na naman. Di ko alam kung galit cia sa mundo o galit cia samen. Mura cia nang mura. Siguro favorite word lang talaga nya ang fuck pag lasing.
Lababo – Makulet. AS IN. Need I say more? Honga pala. Naawa ako sa kanya. Ginawa ciang unan nina Kulisap, Tarbs at Roi.
Roi – Maalaga sa nalalasing. [edit] Sa tingin ko, sisisihin nya talaga kami kung ma-cancel ang kasal nya this July dahil sa di pagsipot sa maagang usapan nila ng fiancee nya.
Salbe – Wala ako masabi. Happy birthday sayo. Bigyan mo ng gift ang sarili mo. I-waive mo na ang New Year’s resolution shit mo.
Tapa – Thanks sa pasalubong. Ubos na. Wala din ako masabi. Next time na lang. Hahahaha. Basta isa ka ring fuckin zowree yeah know! Alam ko conservative ka. Sana wag kang mato-trauma sa mga kagaguhan namen.
Salamat din sa pasalubong Tapa! Pinalitan ni Lababo ng napakaraming Tempra ang tarts na binigay mo.
Lio – Last na, pramis. Mayabang si Lio pag nalalasing. Walang kaabog-abog nyang hinubad ang necktie, polo at shirt nya para ipagyabang samen ang hunkadoodle nyang ab. Ang yabang, da ba?!
![]()
Kuh – Ako? Matino ako. Dahil kung hinde, na-manyak ko na silang lahat. Hahaha. Sa tingin mo, san ako nakapwesto? xD
![]()
Sa gitna ng sala-salabit na pwesto namen, maayos naman ang tulog ko. Siguro epekto na rin ng alkohol. O kung anu man. Nung tanghali ng Saturday, pag-uwi ko sa kwarto ko, ipinagpatuloy ko ang naunsyami kong pagtulog. Sarap lang matulog don sa malawak kong uratex na kama. Nakakatawa… Paggising ko kinabukasan, masakit na ang likod at batok ko. Haaay. Di talaga ako sanay matulog mag-isa. *wenk*
Haylabyuol guys. Kayo ang pumupuno sa hungkag kong social life. Mwah mwah!
Salamuch din guys! Hanggang ngayon walang kaayusan ang iniwan nyong gulo na kasing tinde ng earthquake sa Japan. Hanggang ngayon amoy suka sa bandang kusina, nagkalat ang Clover Chips, nawawala ang blue panty ko, may pasa ako na hindi ko malaman pano ko nakuha at hindi ko mahanap ang susi ko.
(Comments on.)


42 comments
may kilala akong nagtanong kung kanino daw ba yung blue na panty, pero hindi ko sinasabing kinuha nya ha.
E bat nung umaga masama pa rin loob ni lio, eh nagsosorry na pala ako sa kanya sa taxi pa lang. taena hindi ko tanda yun ah, ang naalala ko lang…. ah… eh… umaga na.
Kay tapa pala galing yung tarts, nung umaga na ako nakatikim nun, ginawa naming lunch kasi hindi kami ginising nung dalawa mong housemates!!!
by lababo on March 29, 2011 at 11:59 am. #
tae you. hindi ko kinuha ‘yung blue na panty. pramis! teka, blue ba ‘yun? o pink? ampotah, nasunog na naman ang brain cells ko. lol!
at hindi masama ang loob ko. nabigla lang siguro ako nung una sa pag-asta. pero dahil tropang nose-to-nose tayo, sasabayan ko ang trip mo sa susunod na nomo. ‘yung tipong isusuka ko na pati balun-balunan ko.
pramis! \m/
by L on March 29, 2011 at 3:12 pm. #
yung blue na panty yung bigla na lang nahulog mula salangit o kung saan manhabang nagtatagayan pa? tanong mo si kuh, kase sya huling umamoy nun, sabi mo kase malinis yun e.
by davin on March 29, 2011 at 4:04 pm. #
Ang tanda ko, may naghagis nga ng blue na panty, kinuha ko, tapos ewan na. Wala bang aamin yung sinong sumuka? Paglalabahin ko ng sinukahang basahan.
by salbehe on March 29, 2011 at 4:58 pm. #
salbe.. inihagis sayo yun panty. sabi mo malinis. sabi ko paamoy. inabot mo saken. tapos di ko naman inamoy. binalik ko sayo. tapos isiningit mo yun panty somewhere. dun sa nakaupo non sa gilid ng bed mo. pakihanap mo sa bandang don.
by kuhracha on March 29, 2011 at 5:30 pm. #
hindi ako sumuka. pramis! mamatay man ang sperm cells ni ser jakul! XD
by L on March 29, 2011 at 9:06 pm. #
Anu nga kasi yang nose to nose na iyan?Can somebody plese expuhlain! wahahahaha. Di nga, seryoso, ano nga?
Napakaepic ng istorya ng blue na panty na yan. Gawan mo ng sariling blogpost salbe pag nakita mo na.
by lababo on March 30, 2011 at 1:00 am. #
nag-originate sa Cagbalete adventure ni Salbe ang nose-to-nose. :D
by taribong on March 30, 2011 at 7:56 am. #
Salamat sa feminine wash, ‘yon yata ang naishampoo ko.
Lababs, alam ko may naghagis ng blue panty pero hindi ko ‘yon sinuot, ni-re use ko brief ko nong naligo ako..ahahahaha.
Kainaman, may galos ako, dugyot ang puti kong damit at puro patak ng kandila.
Hindi ako lasing, basag na basag. XD
Kasalanan ni lighting director ‘yan. Peace tayo ‘tol, yon pala mang-uupak na.
by J. Kulisap on March 29, 2011 at 12:15 pm. #
Natawa ako sa feminine wash. Lol!
May patak din ako ng kandila, feeling ko ikaw ang salarin dun!
Akala ko talaga peace kayo nung lighting director, nakikipag-align align pa ako sa kanya.
by salbehe on March 29, 2011 at 5:01 pm. #
bc ka kasi kay disi, na sabi ko nose to nose kayo, umayaw, parang namutla, todo iling eh. XD
by J. Kulisap on March 29, 2011 at 5:51 pm. #
ako rin, side B ng boxers ko ang ginamit ko. bwahahahaha!
by L on March 30, 2011 at 7:27 am. #
xD
Ang saya lang.
Kayo na ang basag na basag.
Nakakatuwang isipin na ang pagkakakilanlan sa blog ay pwedeng mauwi sa tunay na buhay – samahan.
Be blessed po!
by Pong on March 29, 2011 at 12:57 pm. #
Isang malaking tama sa samahan, Pongskie. Nakakagulat nga, yung iba sa kanila nun lang nagkakilala pero nakikipag group hug na. Nakakatuwa silang tingnan!
by salbehe on March 29, 2011 at 5:03 pm. #
kelan ka ba uuwi pareng pong? mag-englishan tayo sa pag senglot na. tapos nose-to-nose! bwahahaha!
by L on March 30, 2011 at 7:28 am. #
April ang tapos ko dito, Boss Lio at Ate Salbe. Magpaparamdam ako sa inyo kapag andiyan na ako sa Pinas. *insert may halong takot na boses*
xD
by Pong on March 30, 2011 at 2:01 pm. #
bukas ko na to nanamnamin. tinignan ko lang muna pictures. tangna anga saya nyan. parang mga street children lang matulog hehe.
by cheese on March 29, 2011 at 1:06 pm. #
Nabasa ko din kung saan na parang mga batang naglalaro ng Doctor Kwak Kwak. :)
by salbehe on March 29, 2011 at 5:05 pm. #
namention ko dun sa FB ko.
by kuhracha on March 29, 2011 at 5:26 pm. #
Nasabi ko na bang eto ang best inuman session ko so far? Jusmiyo. Andaming nangyare! May sumayaw sayaw, may sumuka, may naglalapirutan ng face, may nose to nose, may nang te table, may kumakapit table, may nang aakay sa lasing, may nang aakay sa lasing na inakay na ren, may tumatagay ng suka, may umiiwas at baka mabugahan ng suka, may umiyak, may naghagis ng panty, jusmeeeee ahlaveeeet. Hahaha.
by Vajarl on March 29, 2011 at 1:32 pm. #
K
by salbehe on March 29, 2011 at 5:05 pm. #
Nakakatuwa naman ang kwento ng inuman ninyo. Matagal-tagal na rin yung huli akong nakipag inuman ng ganyan, impak di ko na maalala ahahaha. Sana makita mo kung sino ang nagsuot ng blue na panty mo :)
by WP on March 29, 2011 at 3:15 pm. #
Feeling ko nasa bahay lang yung panty. Kung wala sa bahay si Lababo ang prime suspect ko. Matagal na nyang pinag-iinteresan ang panty ko. :)
by salbehe on March 29, 2011 at 5:06 pm. #
ugak! ayaw ko nung panty mong blue. Mas trip ko yung mala-jungle heat. hahahaha
by lababo on March 30, 2011 at 12:55 am. #
Gusto ko yung ganitong lasingan, nagkukumpol-kumpol kapag lashing na! Ahaha!
by Tsiremo on March 29, 2011 at 4:03 pm. #
Tara Tsi! Ikaw eh mailap din magpakita.
by salbehe on March 29, 2011 at 5:09 pm. #
bwahahahahaha! laugh trip talaga! pati si Ate Kara tawa ng tawa. mga lekat kayo. Iniwan lang namin kayo ni Daddy Bong ng isang inuman e kung anu anong pagkakalat na ginawa niyo. talagang kelangan pala ng parental guidance! langya!
by kaye on March 29, 2011 at 4:16 pm. #
May theory ako.
Bukod sa wala ka nga at malaki talaga ang paggalang sa iyo ng mga hinayupak na kasama ako, ang theory ko ay hindi nila nagagawa ang mga ginawa nila kapag kasama nila ang madalas na kasama. Katulad ko, hindi naman talaga ako sumasayaw na parang tanga, pero dahil hindi naman nila alam na hindi naman talaga ako sumasayaw na parang tanga edi tinodo ko na. Hahahaha!
by salbehe on March 29, 2011 at 5:11 pm. #
I second the theory.
I second the theory re pagsasayaw mo. Tangena buti na lang di ko nakita na sumayaw ka, babalyahin kita kung nagkataon. Wahahahahaha
by lababo on March 30, 2011 at 12:57 am. #
Hahaha ikaw kaya ang pasimuno ng pagsasayaw, magkalapit pa kayo ng pwesto. Wasak!
by taribong on March 30, 2011 at 6:42 am. #
hello hello kuya tarbs! naikwento na sakin ni kuh ang ginawa mong kabayanihan. napakalaking tenkyu! dahil diyan, gusto na kitang ipa-canonize sa vatican para maging santo ng mga lashenggo. XD
p.s. for whatever it’s worth, my walking out of the place to light some cig has nothing to do with any slightest trace of brewing pique over anyone.
what i’m trying to say is…naghahanap lang talaga ‘ko ng takubets sa mga panahong iyon. tanungin niyo pa si salbe.
ulitin natin ‘to! kampai! \m/
by L on March 30, 2011 at 7:33 am. #
eto ang theory ko:
takot tayong lahat kay mami kaye ka-seeh…
…baka paluin niya tayo sa puwet kapag tumarantado tayo. kaya hindi nakakapagwala ang mga gustong magwala kapag kasama natin siya.
that being said, mami kaye amishoo and daddy bong and the two little pigs! ka-seeeh! XD
by L on March 30, 2011 at 7:35 am. #
SALBE mas maganda sana kung mga close up ung pic dito.
ilabas mo un KUH tutal basag na basag naman lahat hahaha.
ang saya saya naman. inggit much ako :D
by liz on March 29, 2011 at 7:34 pm. #
echos? istatchu? naka post sa FB ko mga pichurs. ;)
by kuhracha on March 29, 2011 at 10:10 pm. #
@ Salbahe..!
ang saya naman niyan..!
lasingan talaga..!
teka..,
pahiram ako nung porn..!
papanoorin ko..! ;)
by Daniel P Yuson Jr on March 30, 2011 at 4:53 am. #
ay! may karugtong pa pala sa condo mo! nakakaloka. at napagdiskitahan pa ang blue na panty wahahaha. suot mo ba yun nung nawala? haha :D
by Jayvie on March 30, 2011 at 9:17 am. #
Hindi niya suot, palamuti don sa CR niya, baka pampasuwerte. :) O, nangialam ako.
by J. Kulisap on March 30, 2011 at 10:48 am. #
i missed half of my life. toinks.
panira talaga ng bloglife ko ang trabaho. toinks ulit.
buti na lang wala ako dyan, kundi… kundi… baka naiuwi ko ang hari. toinks
by shea on March 30, 2011 at 6:22 pm. #
haha. nasabi na ni shea ang gusto kong sabihin.
at hnd halatang natuwa ng husto c kuhrah.
:P
by sows on March 31, 2011 at 1:12 pm. #
kailan ba next session? next year?
by cheese on April 2, 2011 at 2:16 pm. #
nakakainggit kayoooo~
by jec mendiola on April 2, 2011 at 10:21 pm. #
in fairview, talagang nakatago na ngayon ang mga mukha ha. hehehe
hmmm mukhang parang nate-tempt akong alamin ang katauhan nina lio at kulisap. hehe!
pero ok na hindi na rin. dito pa lang sa kwento mo, mas makikilala ko pa sila kaysa kilalanin ko sila.
by hitokirihoshi jr. on April 3, 2011 at 1:33 am. #