MADison

by salbehe on March 28, 2011

Ang kwentong ito ay galing sa blog ni Kuhracha. Secret na ang blog nya dahil hindi na sya pwedeng pakialamanan. Anong ginagawa kapag tinatamad magkwento? Edi mag-copy paste.

MADison Chapter 1: Planted

Nape-pressure much ako.

Nagkita-kita kami ng mga fave bloggers ko sa Madison Pioneer para daw sa post celebration ng birthday ni Salbe. Ang totoo, isa lamang yun excuse para makapag-inuman ulet kami. In fuck, never namen kinantahan si Salbe ng Happy Birthday that night or the morning after.

Ang totoo, tinatamad akong gumawa ng post. Pero dahil walang maalala ang bwakanang mga tao na kasama ko ng gabing iyon, nape-pressure ako ngayon magsulat ng detalyadong post tungkol sa mga kahindik-hindik na kaganapan that night.

At dahil wala naman outsiders (sana) sa sikret blog ko na ito,

Walang outsider sa secret blog ni Kuhracha, pero may nangongopya.

papangalanan ko na kayong lahat. At pasensya kung may kulang sa kwento ko. Alam nyo naman na kabi-kabilang table ang mga pangyayari, hindi ko nagawang hatiin ang attention ko that night. Bwahahaha. Wafuckles.

So here it goes…

8:00pm ang usapan. Unang dumating si Vaj. Hindi cia excited much. Pangalawa ako, brinisk walk ko from Pioneer to Madison. Hindi rin ako excited much. Tapos dumating na sina Salbe, Kulisap at Roi. At nagsimula na umorder. Hotsilog para kay Salbe dahil di pa cia nagdidinner. Isang Combo 1 (Bad Girl, Bad trip at Surfer Boy w/ Sizzling hotdog at potato wedges) ang inorder na starter set. Sinadya nilang apat na umupo sa kabilang side ng table, across me. Pramis, di ko alam kung anong magandang view ang inaabangan nila. TAE.

So ayun, kwento-kwento. As usual, si Salbe ang bangka. (Kung may award for Most Favorite Bangka, si Salbe ino-nominate ko.) Kinwento nya ang tungkol sa Cagbalete outing nila kung saan inintroduce nya samen ang “nose-to-nose”. Tapos the usual kamustahan na… kailan yun last na masturbation, nakailan, anong gamit na kamay…

Salbe : Kanan o kaliwa?
Jkul : Gusto mo, kapain mo kalyo ko?

(Biglang napatili si Salbe dahil ang dinig nya sa sinabi ni Kulisap, “Gusto mo kapain mo yun ano ko?” Bwahahaha!)

Ganun. Usap-usap lang ng kung anu-anong katarantaduhang ganyan. Ultimo ang binlower kong buhok at kulay pang-sex kong mga kuko, di nila pinalagpas. At oo, type ko ang mga kalbo. Pero di lahat ng kalbong waiter dun sa Madison eh type ko. xD

Basta along that kwentuhan came Tarbs and his cousin, Bernard aka Tapa. Ciempre pa, san sila uupo? Eh di sa tabi ko kasi puno na sa kabilang side ng table. Pinlano nila Vaj at Roi ang lahat. Wala akong kalaban-laban. Lol.

Di ko na alam mga sumunod na nangyari. May sarili na kong mundo kasi. Bwahahahaha.

 

MADison Chapter 2: On Edge

Nang dumating sina Tarbs at Tapa, nagrequest kami ng additional shotglass tapos kwentuhan pa rin. Nalaman namen na hanggang 22nd month pay ang bonus sa [edit]. Oha. Pero mas nakakagulantang ang malakas na kapit ni Kulisap sa [edit] kompanya nya. Sa dinami-rami ng na layoff, di cia nakasama. Parang fetus na pinapaabort. Ang lakas ng kapit. Bwahahaha.

Nagsimula naman talaga ang kwento nang bulabugin kami ni Lababo na nag-inarte noong una dahil gusto nyang sunduin namen cia sa Shaw. *Beep beep* Ambakla, di ba? Pero kaya pala. Galing kasi cia sa isa pang inuman kaya lasing na ang mokong pagdating sa Madison. Iniwan nya mga nauna nyang kainuman para lang makasama kami. Nakaka-touch di ba. Hindi rin. xD

Photo0444

Oha, pati picture kinopy paste ko.

Andaming drama shit ni Lababo. Eee-mow pala ang hitad. Pero san ka… sa kabila ng pagda-drama nya tungkol sa lovelife nya, nagawa pa rin nyang mangharot, magsayaw, maghubad, magpalit ng damit in public, mangulet, mang-asar at mang-pikon.

King of the Night award goes to you, Lababs. Walang palya. Wiener ka. ;p Photo0465

Maya-maya, ayan na si Lio. Kahit madilim, madali namen cia nakilala dahil sa ever reliable necktie nya. Hehehe. Oo nga pala, nagdecline na si Lio earlier dahil di pa cia nakaka-quota sa binebenta nyang encyclopedia pero dahil sa dalawang librong ibibigay sa kanya ni Tarbs, napilitan cia pumunta. Ikaw na ang bookworm.

So ayun, dahil mukhang di pa nagdidinner si Lio dahil galing ciang OT, iniorder namen cia ng hotsilog… na nilantakan naman ni Lababo. With matching lamutak sa mukha ni Lio. At dahil magaslaw si Lababo, pinalipat namen ng upuan si Lio at iniorder ng panibagong hotsilog.

Kwentuhan, tawanan. Tatayo, uupo. Kupit ng ashtray, lagay sa bag ko. Kupit ng dalawang drinking glass, lagay sa bag ni Lababo. Bwahahaha.

Mahirap na tanggero si Tarbs. Parang ciang may lakad na pupuntahan. Palaging nagmamadali. Palaging tumatapon ang alak sa pulutan pag kumakampai. Palaging tumatapon ang alak sa mesa dahil hindi na mai-shoot sa shotglass ni Tarbs ng alak. Pero sige lang. Shot ng shot. Wala kaming pakelam…

Photo0446E001

Hanggang sumuka si Lababo dun sa gilid ng mesa namen. Tapos nahulog ang bag at jacket ko at bag ni Tapa dun sa sinukahan nya. Buti walang damage saken. Malas si Tapa. Nalagyan ng puke (pyuk, hindi poo-keh) ni Lababo ang bag nya. Buti na lang andaming dalang tissue ni Tarbs galing Rosario, Batangas. Hindi ko alam kung baket, basta andami nyang dala. Eh di punas dito, punas doon. Sabay hand sanitizer.

Natuwa ako kay Roi. Maalaga pala cia. Inalalayan nya si Lababo nung sumuka to. Kung ako sayo, Lababo, bilang pasasalamas, ino-Nose to nose ko si Roi! Hihihi.

Ang totoo, may susunduin si Lababo non. Yung isa sa mga rason ng pagdadrama nya. Kaya pagdating ng pasado alas dose, umalis na cia papunta Metrowalk. Hehe. Mejo tumahimik ang paligid pag-alis nya.

Sa paglipas ng oras, may bumalik (si Lababo) from Metrowalk na bigo. At may tumitira na ng Tempra. At may tumitira na ng suka. You know who you are.

May nameet kami from the next table. Sina Alex, Lawrence and company. Oha. Remember ko ang name nila. Etong si Lawrence: Maputi. May hitsura. Makinis. Batambata. Disi. [Disinuwebe] Di ko lang alam kung mabango kasi kay birthday girl cia tumabi. Oha. Haba ng hair ni Salbe. Sorry cia. Bukod sa binding ang New Year’s Resolution, di cia type ni Salbe. Bwahahaha.

So ayun na nga. May na-meet kaming bunch of local people. Bad trip yun isa sa kanila. Ininvite nya sarili nya sa table namen tapos cia pa may ganang magbanta.

Pots/Andrew/Adik : Kaibigan nyo ba yun nakadilaw?
Kuh & Tapa : Oo.
Pots/Andrew/Adik : Wag nyo iiwan mag-isa yun kaibigan nyo ha.
Kuh & Tapa : Huh? Baket?
Pots/Andrew/Adik : Basta, wag kayo malilingat ng tingin. Titirahin ko yan sa labas.

Nakakakaba di ba. Kahit yung mga kaibigan nya sa kabilang table, inaawat na cia. Una, kay Roi cia badtrip. Tapos kay Kulisap. Tapos kay Tapa. Kung sinu-sinu pinagbabantaan nya. Samantalang walang ginawa sa kanya mga taong kinaiinisan nya. Siguro na-paranoid ang gago sa kapal ng kilay ni Roi, at sa kulot na buhok ni Kulisap, at sa tangos ng ilong ni Tapa. Bwahahaha.

Kaya nga in my attempt to appease the warfreak, kinausap ko na lang. At kinwentuhan. At binigay ang official number ko. At hinug ang gago dahil nirequest nya. Oo na. Ako na ang tanga.

Basta after non…ewan ko na. Gusto ko nang umalis ng bar. Di na ko nag-enjoy. Ayoko na munang bumalik sa Madison for the next 6months.  Photo0440E001E001-300x225

Photo0452-300x225

Yan ba ang mukhang hindi na babalik sa Madison? Weh?

Maraming lessons learned from this experience pero ang mga pinakaimportante: Sa malayong lugar dapat sumuka. At kung nakukulitan sa lasing, wag mainit ang ulo. Inuman yan. Happy happy lang. Tingnan nyo, pinagtatawanan tayong lahat ni Vaj. Wala ako maikwento about him dahil tahimik at nagmamasid lang cia buong gabi. At most importantly pala: Wag makikipagkilala sa taong taga-Boni na nagpakilala bilang lighting director sa mga soap operas sa ABS. Warfreak yan. Garantisado.

Ang totoo, kahit mukha akong nageenjoy dahil katabi ko the whole night yun poging pinsan *ehem ehem* ni Tarbs, worried ako inside. Kinabahan ako the whole time. Feel ko ang tension sa dugo ng mga lasing that time. Nakikiramdam ako sa mood ng mga tao. Mga taong di ko lubusang kilala. Naninimbang dahil mga kaibigan ko sila. Ayoko mabulilyaso ang gabing yon. Ayokong masayang ang eport ko pagblower ng buhok ko.

Hindi ko maalala ang eksenang ito, siguro dahil busy ako kay Lawrence. Ahihihi.

Kung may regret man ako sa gabing ito, yun ay di ko na nalaman kung anu-anu naganap sa aking mga friends mula nang tabihan ko ang warfreak. Pagbalik ko ng table, bayad na ang bill. Di ko tuloy alam kung baket nag group hug ang mga kaibigan kong lasenggo. Yes, nag group hug sila. Sayang, di ko napichuran.

 

Up Next: Madison Chapter 3 : Reality Bites

Sana sipagin si Kuhrach gumawa ng part 3 para may ma-copy paste uli ako.

(Comments on.)

80 comments

pota.

by lababo on March 28, 2011 at 5:12 pm. #

Uy bemabeys.

by salbehe on March 28, 2011 at 5:13 pm. #

Ayokong itake ang risk na ma-expose. Hahaha. Pag may nakakita niyan na kakilala ko, patay na!

Salamat pala sa aircon, bold, facial wash, sabon, kubeta, alcohol, apat na pancit canton, tubig na maiinom, macapuno tart ata yun, clover chips, at lahat ng pagkain na nilantakan namin sa bahay mo. Kung kanino man yun, salamat.

by lababo on March 28, 2011 at 5:29 pm. #

Hindi ko namalayan na kumain pala kayo ng Clover Chips! Mygaaad kala ko wala akong tama. Haha.

by Vajarl on March 28, 2011 at 6:57 pm. #

sobra ka naman vajee. hindi kaya namin yun inubos. ‘yung ferrero nga, hindi na namin ginalaw dahil alam naming regalo ‘yun kay salbe. wahahaha!

sa uulitin!

p.s. vajee, nahanap niyo na usb ko?

by L on March 28, 2011 at 7:33 pm. #

Hindi ko alam kung papaano rereplayan ang usapang ito, bahala na kayo. :)

by salbehe on March 29, 2011 at 4:05 pm. #

Ako ang magrereply bilang isa naman akong tunay na kaibigan.

Nahanap niyo na ba yung panty kong blue?

by lababo on March 30, 2011 at 1:02 am. #

hihihihi

by Jason on March 28, 2011 at 5:18 pm. #

Mabuti Jason hindi ka nakasama. Bawas kaguluhan ka din, feeling ko maligalig ka din kapag lasing. PERO sana sa susunod, sumama ka! Para may bagong mapaglaruan. :)

by salbehe on March 29, 2011 at 4:09 pm. #

Nose to nooooooooooooose!

by Vajarl on March 28, 2011 at 5:21 pm. #

ano bang kwento sa likod ng nose to nose na yan? bat di ko yun alam???

by lababo on March 28, 2011 at 5:31 pm. #

Na-discover ko ang nose-to-nose sa mga kaibigan ko noong pumunta kami sa Cagbalete. Pero ayon kay Vice Ganda, sya ang nagpauso nyan sa Showtime. Edi sya na.

by salbehe on March 29, 2011 at 4:10 pm. #

;((

dami ko na miss… toinks

by shea on March 28, 2011 at 5:22 pm. #

nagtataka nga rin ako bat wala ka dun shea? XD

by L on March 28, 2011 at 7:34 pm. #

Hoy She-a! Nagtext ako, hindi ka nagreply!!!

by salbehe on March 29, 2011 at 4:11 pm. #

hello, belated happy birthday. :)

thanks for this – na-reconnect ako sa blog ni kuhracha. nakakaaliw. :D

by doon po sa amin on March 28, 2011 at 5:32 pm. #

Hi S! Pasensya ka na kung di mo na masubaybayan ang drama ng totoong buhay ko. Kasi kasi. Nagtatago na ngayon si Kuhracha. =)

by kuhracha on March 28, 2011 at 8:15 pm. #

hello, kuhracha.

hala, nami-miss ko talaga ang blog mo. lurker talaga ako do’n, dati pa. lagi akong nate-tempt mag-comment kaso, iniiwasan ko. kasi, tinataguan ko noon si ate kaye…

tapos, nong matagpuan na ako ni ate kaye, saka naman nag-close/disappear ang site mo. :s

heniweys, aliw ako dito sa entries mo re: madison and beyond. ang saya! nakakapanibago. :)

sana, madalas ka pang makapag-sulat ng ganitong kakulitan and don’t worry, good works get copied and pasted este, stolen and reposted, hehe… regards, :)

by doon po sa amin on March 31, 2011 at 8:20 pm. #

Hi Susan, salamat sa iyong pagbati. Pasensya na sa mga email na hindi ko narereplayan. mapatanatag kang hindi lang ikaw ang hindi ko nirereplyan. :D Ayan, napaliwanag na ni Kuhrach kung bakit sya nanahimik. Edi sya na ang may secret blog.

by salbehe on March 29, 2011 at 4:13 pm. #

hello! no problem, panatag ako.

i don’t think it’s fair na kung kailan masasaya ang sinulat ni kuhracha ay saka pa ginawang protected ang kanyang site. somebody should initiate a petition-signing or something against protected sites, i suppose…

buti na lang at pwedeng i-breach ‘yang prote-protection na ‘yan, ahaha… :)

by doon po sa amin on March 31, 2011 at 8:25 pm. #

comments on! haha!

nabasa ko na nga ito kaninang umaga pa at shempre tawang tawa ako. hindi lang ako makapangokray ksi comments off sa bahay ni kuh.

so dito na lang.

BWAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA! lol much ako dun sa umupo kayong lahat sa harapan niya at takang taka na siya hanggang dumating ang mga panauhing pandangal. hahahaa! namiss ko na naman si roastbeef. sa susunod na kabanata na lang dahil di talaga kami pwede nung gabing yun.

ok, idemo nyo na lang ang nose to nose sa susunod na pagkikita :-D

teka, baket nga pala wala si Shea? si Labs, wasted na wasted na wasted! wala atang matinong pic. bwahahahahaha!

by kaye on March 28, 2011 at 5:32 pm. #

parang paparazzi si kuh. wahahahaha

by lababo on March 28, 2011 at 5:36 pm. #

mami kaye, amishoo! sama naman kayo next time. lalasingin ko ang mga bulinggit! wahehehe! loljoke!

ka-seeeh! XD

by L on March 28, 2011 at 7:49 pm. #

mami kaye! hehehe… sa pangalawang pagkakataon, hindi na nman tayo nagtagpo. tsk tsk… kala ko makikilala na kita sa personal. pag natuloy na po, bigyan mo ng big hug ha :D

by davin on March 29, 2011 at 9:13 am. #

Aktuwali, tawa ako ng tawa sa post ni Kuhracha gusto ko sana magkwento din pero mahirap magkwento sa kwentong naikwento na. at dahil hindi ko naman pwede sabihin ang link edi copy paste.

Si She-a, tinext ko eh hindi naman nagreply. Ayaw ko naman magfollow up ka-seeeh ayaw ko lang. Hindi ko na gawain yun ngayon. :D

by salbehe on March 29, 2011 at 4:17 pm. #

haberdei ulit ate salbe,
2nd time ko ng basahin ito
naghihintay din sa part 3
xD

by Pong on March 28, 2011 at 6:02 pm. #

Thank you uli Pongskie. :)

by salbehe on March 29, 2011 at 4:18 pm. #

sa tuwing nag EEB kayo sumasakit puso ko naiinggit ako :-(

HAPPY HAPPY BIRTHDAY MS. SALBE!!!

by sphere on March 28, 2011 at 6:22 pm. #

Ate Anne kelan uwi mo? Baguio tayo! Tawi Tawi! Marinduque! Tuguegarao! La Union! Quezon City!

by Vajarl on March 28, 2011 at 6:59 pm. #

walang kasiguraduhan Vaj, pero pag nakauwi ako ilalabas ko kayo sa syudad :-) kahit saan nyo gusto basta wag lng labas ng bansa hehehe

by sphere on March 28, 2011 at 10:09 pm. #

ako man inggit na inggit me.
huhuhu

by Pong on March 28, 2011 at 7:11 pm. #

Basta kapag nasa Pinas ka na Anne magparamdam ka, guguluhin ka namin. The same goes for you, Pongskie.

by salbehe on March 29, 2011 at 4:20 pm. #

binabawi ko na ang lahat ng sinabi ko sa post.

sa susunod na nomo fest, ihahanda ko talaga ang atay ko. tatapatan ko ang suka ni lababs, ang lakas ng tawa ni ser jakul, ang kadaldalan ni kuya tarbs, at ang landi ni salbe sa kabilang table at ni kuhracha sa table natin. lol!

pramis ‘yan! XD

by L on March 28, 2011 at 7:17 pm. #

taragis, kailangang ipaunawa ang mga kaganapan dahil sa nagbabadyang papausbong na sabong, at gamitin ang sarili bilang point of reference… tagayan na lang!!!

by taribong on March 29, 2011 at 9:47 am. #

Lookin’ forward! =)

by kuhracha on March 29, 2011 at 2:03 pm. #

Maygawwd sinong malandi? Hindi ko kaya pinansisn yung bata. Disinuwebe! Ako pa maggtuturo dun.

by salbehe on March 29, 2011 at 4:22 pm. #

hapi berdie ate salbe!!!

ang saya pala pag me gantong EB… :-D
sana’y maimbitahan din ako minsan…

:-D

by mikkimao on March 28, 2011 at 7:36 pm. #

Hey mikki you’re so fine, you’re so fine you blow my mind, hey mikki! :)

Maramaming salamat sa pagbati. Kapag may nagyaya, sama lang nang sama. Nakakasawa mag-aya nang mag-aya tapos ang daming kakemerluhan sa katawan.

by salbehe on March 29, 2011 at 4:30 pm. #

napakawalang kwenta ko palang kaibigan. akalain mong ipagpapalit ko pala kayong lahat sa dalawang libro lang ni kuya tarbs? T_T

pero seryoso, gustung-gusto ko talagang uminom kasama kayong lahat. nagkataon lang na nung gabing ‘yun, masyado nang maiksi ang kumot ko para sa isang linggo pang gastusan. sori na…

para sa beerday girl, sana matapos na ang panata mo at nang lumigaya ka naman. maraming salamat ule sa painom. nagulat na lang ako kinaumagahan na hubad na ‘ko tapos naalala kong hindi pala ko nagbigay ng share. next time, lalakihan ko ang tip. XD

at talagang nagpaliwanag na ‘ko. seryoso, mas matimbang kayong lahat kesa sa kung anupamang libro. labyu all! pakyu all! wahahaha! \m/

by L on March 28, 2011 at 7:43 pm. #

Napakawalangya ko ding kaibigan, nung sinabi mong hindi ka pwede hindi na kita pinilit pa. Pwede ka palang pilitin. :D

Ang dami mong paliwanag, sisingilin naman kita sa mga kinain nyong pancit canton. Hahaha!

by salbehe on March 29, 2011 at 4:32 pm. #

lol! eh di ba nga sabi mo hindi mo na ugali ngayon ang namimilit? pero seryoso, salamas nang marami. nag-enjoy ako kahit may konting badtrip. konting-konti lang naman. nawala rin kinaumagahan. XD

sa beerday ko, magpapainom din ako nang bonggang jabongga! pero sa september pa yun! wahahaha!

by L on March 29, 2011 at 8:50 pm. #

wow pwede magcomment! namiss ko naman ang madison. sarap kasi ng bad trip dun mura pa hehehehe. by the way nice post. keep on posting :D :D :D

by bino on March 28, 2011 at 9:15 pm. #

Wow! Nagkoment ka! Yown lang.

by salbehe on March 29, 2011 at 4:33 pm. #

Happy Bertdey Ms. Salbe! Kayo na ang lumalaban ng ubusan ng atay! Mabuti pa jan may mga ganyang kasayahan, ayoko ng dugtungan baka mapamura lang ako :)

by WP on March 29, 2011 at 12:03 am. #

Maraming salamat WP. Seryosong shit, nagpakunsulta na ako sa doctor dahil hindi na ako kinakausap ng atay ko. Akala ko bibigyan ako ng reseta ni Doc, but no! Ang sabi lang nya ay drink moderately. Magpapalit na ako ng doctor.

by salbehe on March 29, 2011 at 4:37 pm. #

uy hapi bertdey!! saya saya naman!!

saya ng inuman!! namimiss ko ng magpakalasing!!

by p0ks on March 29, 2011 at 4:36 am. #

Maraming salamat sa bati poks. Isang walang kwentang trivia, pareho kayo ni Kuhrach ng sitwasyon kaya sya nagtatago. :)

by salbehe on March 29, 2011 at 4:38 pm. #

huy teh! mej naguluhan ako ng kaunting slight. si lababo ba yun nakadilaw? scary the banta of pots! wit wit wit, si Kulisap ba yung nakaputi na kulotish the hurr? blurred ever yan hahaha. pero how trulaloo na gwapo daw ang lolo? haha :D

ay belated hb pala teh ;)

by Jayvie on March 29, 2011 at 8:28 am. #

Yep. Ako nga yung naka-yellow.

by lababo on March 29, 2011 at 9:16 am. #

Yung naka yellow si Oscar the Grouch. Peacemehn. Haha. Nilamutak mo face ko. Bwahahahaha.

by Vajarl on March 29, 2011 at 9:24 am. #

Para sa kapakanan ni Lababo, sige hindi sya ang naka-yellow. Bwahahaha! Kaibigan namin yun, si Roi. Yep, si Kulisap ang mukhang busabos na kulot. Tama ang kasabihang ang kulot ay salot.

Maraming salamat sa pagbati mo Jayvie. Kelan tayo magbabasagan ng trip? :)

by salbehe on March 29, 2011 at 4:41 pm. #

hahaha parang kinabahan ako sa basagan ng trip. pero why not chocnut poknat! mag-iipon muna ako ng lakas ng loob hahaha. pero yeah, nabanggit din sa akin ng pinsan kong moret na mukhang napaglipasan na ng panahon. balita ko eh nameet mo na din si Gillboard di ba? andami kong sinabi pero ang nais ko iparating ay, oo, nais kitang makilala sa totoong buhay. pati ang kulisap na kulot haha. :D

by Jayvie on March 30, 2011 at 9:23 am. #

Magpaparebond na ako Salbe, parang mapapahamak ako sa buhok ko. Lekat na!

by J. Kulisap on March 30, 2011 at 10:52 am. #

Salbe may part 3 na!!!!
Teka pwedeng magpaliwanag?
May theory ako kung bakit ako malungkot at umiyak nun. Kaaaseeeeeeeh andun ako, kasama niyo eh ang paalam at plano ko ay sa Metrowalk ako, at wala akong magawa kasi lasing na lasing na ako. Di ko nga alam pano ako makakababa papunta sa gate ng condo eh. Siguro natatakot ako na mawalan ng sexlife dahil sa inyo. haha. Kaya kayo ang sinisi ko.
Pero sorry talaga sa kakulitan. @_@

by lababo on March 29, 2011 at 9:22 am. #

Sa Tissue ka magpaliwanag!

by Vajarl on March 29, 2011 at 9:24 am. #

Whatevs, Lababo. Whatevs.

by kuhracha on March 29, 2011 at 2:07 pm. #

Whatevs, Lababo. Whatevs.

Hahaha! Nangongopya pa din ako! May theory din ako, pero sa bagong post ko na ibabato.

by salbehe on March 29, 2011 at 4:43 pm. #

MWAAAAAH lintek kayo. Hahahaha

by lababo on March 30, 2011 at 1:06 am. #

Kuhrach,
Hindi mo napansin, feeling ko lang naman yong nasa likod ng table natin, eh urat na urat sayo at kay lababs..ahahahahhaha.

Parang gusto kayong tarakan ng tinidor sa lungs.

:) Inuman yon, dapat handa sila sa lahat ng kabalahuraan doon.

paapoy nga diyan…para magliyab. :) XD.

Ang totoo, ngayon pa lamang ako nag-eenjoy gumimik sa tanang buhay ko. Ako na ang late bloomer.

Haylabyu all. Tagay na.

by J. Kulisap on March 29, 2011 at 9:48 am. #

Anong urat na urat? Saken? Baket? Taena sila. Wala ko ginagawa sa kanila. Magpaliwanag ka Kulisap!

by kuhracha on March 29, 2011 at 1:59 pm. #

P.S.

Ako nga na ginagaslaw ni Lababo, hindi napikon. Sila pa na nanunuod lang? Naha-hayblood ako Kulisap. Sana sinabi mo nung gabing yon nang maupakan.

by kuhracha on March 29, 2011 at 2:01 pm. #

Oo dahil sa harutan nyo ni Lababs kaya yong nasa likod niyo, inggit na inggit siguro.

Tinuro ko yata kay Vajarl o kay Salbe.

:)

by J. Kulisap on March 29, 2011 at 2:07 pm. #

Hamuna. Di naman na ko babalik muna don for the next 6months.

by kuhracha on March 29, 2011 at 2:10 pm. #

ako napikon nang slight. XD

by L on March 29, 2011 at 8:42 pm. #

sige next time ikaw naman haharutin ko.

by lababo on March 30, 2011 at 1:11 am. #

Sanay ako sa inumang maliligalig, kapag lasing pinagtatawanan lang yan. Darating ang pagkakataon na ikaw naman ang lasing at ikaw naman ang pagtatawanan. Been there, done that.

At hindi ko alam ang tinutukoy ni Kulisap, feeling ko nagsisinungaling lang sya. Katulad nung sinabi nyang late bloomer sya. Weh?

by salbehe on March 29, 2011 at 4:46 pm. #

Mas lasing ka sa akin Salbe, sino ba katabi ko? Baka naman si Vajee? Ah basta merong naiiinggit sa likuran dahil naglalambingan si Labs at Kuh. :)

by J. Kulisap on March 29, 2011 at 6:03 pm. #

Anong naglalambingan kami ni Lababo? Eeew eeew eeew!
Hinaharot nya ko dahil tinutukso nya ko kay Tapa. Kelangan ko ba talaga ipaliwanag?!

by kuhracha on March 29, 2011 at 7:39 pm. #

dahil diyan…nose-to-nose! hihihi!

by L on March 29, 2011 at 8:44 pm. #

Ang sama pa naman ng loob ko kasi pangarap ko na asarin kayo kuh at tapa. Wahahahaha. Buti na lang nakatanim sa subconscious ko, nagawa ko pa rin pala. wahahahahahaha

o yan ha, next time be prepared. Pero sure ako di na ako ganun kalala. problematic lang talaga ako nung araw na yun.

Nag uumexplain.

by lababo on March 30, 2011 at 1:09 am. #

belated heypi bertdey salbe… :D

by wulffrick on March 29, 2011 at 9:57 am. #

Thank you wulffrick! Maraming salamat din at napasyal ka sa blog ko. Natatats me much!

by salbehe on March 29, 2011 at 4:47 pm. #

belated happy birthday bb. salbe, di ko po alam kung nakita mo ung greeting ko nun sa plerk…
Ang saya po ng birthday nio, para sa wento ni bb. kuh ang behave niong dalawa ni vaj at super kulit ni ginoong lababo… :)

by gnehpalle02 on March 29, 2011 at 10:37 am. #

Hindi nila nakwento, but the truth of the matter is… sinasabayan kong sumayaw si Lababo. Bohahaha! Maraming salamat sa pagbati Ella! Sayang di ko nakita yung Plurk. :(

by salbehe on March 29, 2011 at 4:48 pm. #

Oo, totoo yun. Pina-partneran nya sa pagsayaw si Lababo. Di ko lang na-mention.

by kuhracha on March 29, 2011 at 5:13 pm. #

sana vinideo niyo, wala namang kaso sakin yun. Ang mahalaga, makita natin siyang sumayaw. Gumigiliiiiing.

by lababo on March 30, 2011 at 1:13 am. #

happy birthday ate salbehe! naks naman.. lapitin ng gwapo! ikaw ang napiling tabihan! hahahha

by lei on March 29, 2011 at 11:06 am. #

Maraming salamat sa bati lei. Feeling siguro nung bata ay highschool lang ako. Ako kasi ang pinakabatang tingnan. Ahihihi.

by salbehe on March 29, 2011 at 4:49 pm. #

oo nga pala. belated happy birthday, ate salbe! hihi.

by kuhracha on March 29, 2011 at 10:07 pm. #

heypi berdey salbe. ang sayaaaa naman!!

kagandahan may tumatayp ah! typewriter kb? :P
corny. hihi.

inuman! naaaaa! :)

by sows on March 30, 2011 at 3:34 pm. #