Summer Outing, Cagbalete Island

by salbehe on March 21, 2011

WHAT: Summer Outing 2011
WHEN: 19-20 March 2011
WHERE: Pansacola Beach Resort, Cagbalete Island, Mauban, Quezon
THEME: Sungkitin ang Kulangot ng Sira-ulong Hacheng

Yung mga kainuman ko sa California Gardens ay nag-o-organize ng summer outing kada taon. Isa lang ang requirement ng mga sumasama, abot kaya dapat ang ambagan. Ngayong taon, 22 ang participants na nagpunta sa Mauban, Quezon. Ang ambagan? P1500.

Kasama na sa P1500 ang private van, boat ride, accommodation, The Bar, sabon, shampoo, sunblock, Off lotion at plastic na lalagyan ng suka. Kasama na din sa P1500 ang unlimited supply ng inihaw na tilapia (4 kilos), liempo (8 kilos), sinigang na hipon, adobo, hotdog (4 kilos), manggang hilaw (7 kilos) at napakasarap na bagoong. Mayroon din pabaon ang nanay ni Aaron na fried chicken na may sweet pineapple sauce at potato chips. Kasama na sa P1500 ang napakaraming cholesterol at high blood.

Kasama na sa P1500 ang fun games. Tatlong koponan ang nagtuos, Mighty Red, Blue Bulilits at Go Green, kasama ako sa Go Green.

Go Green Team Go Green Team!

Eto ang title ng games na pinag-isipan ng facilitators:

A. Cheering Competition

B. Amazing Race
1. Tinubog ka Ngunit Kulang
2. Iputok mo Baby
3. Hanapin mo Kung Kaya mo
4. Kainin mo
5. Muka mo, i-picture mo
6. Pasan ko ang Mundo Hanggang sa Huli

C. G Spot!

D. Touch My Body

Hindi na kailangan sabihin ang mechanics ng game, sa pangalan pa lang bastos masaya ‘yan!

Kasama sa P1500 ang awards at eto ang mga awardees:
1. Darbong Tigas – Best Dress (Male) – Aaron
2. Binilog na Darang – Best Dress (Female) – Val
3. Pitik-talsik Pangkat – Best Cheer – Blue Bulilits
4. Tuyong di Masungkit – MVP (Male) – Jero
5. Basang Nakadikit sa Daliri – MVP (Female) – Istep
6. Isubo mo ko Kung Kaya mo – Pinakamatakaw – Jero
7. Makati at Mabuhok – Pinakalasing – Klang
8. Nakasabit sa Bukana – Unang natulog – Tami
9. Koponang Pahid Pader – Best Team – Mighty Red

Muka mo, i-picture mo “Muka mo, i-picture mo” Game

Touch My Body “Touch My Body” Game

Kasama sa P1500 ang inumang binigay ang lahat ng hiling, improvised disco house, at dance instructor na tinuruan kami ng buwis buhay na dance move na hanggang ngayon ay sumasakit ang katawan ko.

The Bar Kasya sa kariton ang dala naming The Bar.

Inumang Ibigay ang Hiling 
Inumang ibinigay ang lahat ng hiling. Kapag sinabi ni Istep (tanggera) na tumagay ng isang baso, tatagay ng isang baso.

Bandang alos dos ng madaling araw, tiningnan namin ang sinasabing Supermoon. Ang laki laki nga ng buwan! Alas dos ng madaling araw, doble na ang tingin ko sa buwan.

Hindi ako naging masaya sa P1500, gusto ko ng refund!!!