White Day Tumblr Meet Up
by salbehe on March 14, 2011
Noong inimbitahan ako ni Beben pumunta sa White Day, wala akong ideya kung ano ang White Day. Meet up pala ito ng mga nag-ta-Tumblr, ang lahat ng attendees ay naka-white. Dahil may dalawa pa akong kilalang aatend, sina Glenn at Pao, hindi na ako nagpapilit pa at umatend ako kahapon ng aking first time ever White Day.
- Na-late ako ng isa’t kalahating oras, na-late si Pao ng kalahating araw. Hanep si Pao, parang estudyante pa din umasta, yung tipong patapos na ang klase tsaka magpapakita para sa attendance.
- Ibang-iba si Yepoi sa personal sa kung ano ang nababasa ko sa Tumblr nya. As in mahinhin sya, mabait, tahimik, mahina ang boses, hindi umaalis sa prenteng pagkakaupo nya sa isang lugar. As in mamatay na ang maniwala sa mga shit na sinabi ko. As in.
- Karamihan ng mga umattend ay college students. [Insert malutong na mura here.] Ayheyteeeet!
- Nalagyan ng mukha ang mga fina-follow ko, sina edwardous1, plaridel, maypagasa. Na-meet ko din sina akemi, alfhon, keisha. Sorry guys, tsaka na ang link. Basta ang dami nila.
- Hindi nakapunta si Goyo, ang loser kasi nya. Nakilala ko naman si Corinth, girlfriend ni Goyo, na winner na winner sa takbuhan.
- Dumating ang Tumblr famous na si Mariano. Pambihira, ako ang napahiya. Ang biruan namin, tatlo kaming magpapakita ng pwet. Nagulat na lang nang naghubad na sila. Maygawwwd!
Okay guys, sa susunod painumin nyo naman muna ako ng kahit isang bote ng beer para may lakas ng loob excuse ako para magpakita ng pwet.
Kailangan ko palang sabihin na this event is brought to you by Venice Piazza, One McKinley Hill. Samalat sa mga organizer, kitakits next year!


