Dear Jape

Dear Jape,

Kamusta ka na? Mabuti naman? Kumakain ka ba ng sapat? Uminom ka ng vitamins, uso ang sakit ngayon. Mag-condom ka parati, uso ang STD.

Parang kailan lang, ang kukulit natin sa Plurk. Pinagtagpo ko kayo ni Cielo at naging endorser ng love team nyo. Good times, Jape, good times! Sayang hindi kayo nagkatuluyan ni Cielo kahit naglandian na kayo sa Boracay. (Minsan nakakatamad nang mag-Plurk dahil wala nang mas itataas pa ang infinity karma ko. Sana ang karma sa Plurk ay batayan ng anong magiging buhay ko kung sakaling totoo ang reincarnation. Siguro dyosa na ako sa next life. I digress.)

Jape, tanda mo noong nag-party kami sa bahay nyo? Siguro hindi mo na maalala dahil umuwi kang lasing kahit ang sabi mo ay nag-overtime ka nang hanggang 4AM sa opisina nyo. Mula nang dumating ka hanggang sa paghatid mo sa akin sa taxi ay wala ka nang ginawa kundi laitin ako. Tae ka. Oo na, ako na ang nagkaroon ng aborted child!

Naisipan kong kamustahin ka dahil mukhang iniiwasan mo ako. Bukod kasi sa hindi ka sumama sa Cagbalete Island ay tulog o wala ka tuwing pumupasyal ako sa inyo. Jape, what’s happening to us?!?! Arte lang.

Wala kang dapat ikahiya sa akin. Bilang kaibigan, alam kong nagsabi ka lang ng totoo kahit ang sakit sakit sakit mong pakinggan. Alam ko naman kasi na may punto ang sinabi mo kahit ang sakit sakit sakit talaga. Pero ang totoo ay gusto kitang pasalamatan, Jape. ‘Cause you made me stronger by breaking my heart.

Sana makasama ka sa second anniversary ng Panickers, na-mi-miss ka na ni Cielo na kita.

Love lots,

Salbehe

Jape

Panickers sa Veanaville.

0