Tuwing gagawa ako ng post na may kasamang picture (na karamihan sa posts ko), may isa o dalawang picture na hindi ko naisasama. Ayaw ko kasing magmukhang photo album ang blog ko. Nang lumipat ako ng workstation naging busy na ako, kinailangan kong magback-up ng files at nakita ko ang mga unpost pictures. Sayang naman kung hindi ko maipopost di ba? Hence this post.
Noong kasal ni Ramir at Leya, marami pa kaming muntangang shots. Usong uso ang mga ganito sa kasal.

Pagkatapos ng Panicker’s Christmas Party, pumunta kami sa Tagaytay, nagkape, naglaro ng uno, kumain ng bulalo at bumili ng tig-iisang bonet na hayup. Suot din namin ang bonet sa bus nang pauwi na. Ang sarap mang-trip ng sarili. Yan din ang gamit kong bonet dito.

Nang mangolekta ako ng pictures para sa Valentines post ko, may nakita akong pictures kasama ang hindi ko kilala. Minsan, masarap mang-trip ng ibang tao.

Ganito kasaya ang Fef Fair 2011, may tawa ng tagumpay.

Nagkaroon ako ng pagkakataon ma-meet ang mga makukulit na blogger sa Saranggola Blog Awards Night. Ang bait ni Kat at mukhang manyakis si Goyo at hindi ko alam kung bakit ako nakanguso.

Namimiss ko ang panahong ito. Yung kaya kung kumain sa Pizza Hut, pagkatapos ay mag-de-dessert sa Crepes and Creme at makakapag-pose pa ng ganito:

Nang nagyaya si Kuhrach na mag-MOA, maglunch, manood ng sine, pagkatapos ay mag-foodtrip.

At ang latest picture sa collection ko ay noong 30th wedding anniversary ni Mamita at Papito. We have our first ever family picture taken on a studio.

Note to self: Kailangan nang mag-diet.
0