Maroon 5 Concert
by salbehe on May 28, 2011
Eargasmic!
Habang iniintay namin lumabas sa stage ang Maroon 5, “Eargasm ito, Ate! Kinikilig ang tinggel ko.” ang bukang bibig ni Essy na hanggang ngayon ay kinikilig pa din ang tinggel. Eight o’clock ang concert, 6PM pa lang nasa venue na ako. Magpapatalo ba naman ang kapatid ko? 3PM pa lang ay nasa SMX na si Essy. Spell e-x-c-i-t-e-d. Si Essy na!
January pa lang, bumili na kami ng ticket. Hindi kasi masyadong excited ang kapatid kong mapanood nang live ang Maroon 5. Sa ka-ka-hype ko sa kanya na malapit na ang end of the world, gumastos na sya nang bonggang jabongga. Dun kami sa Gold-A, isang row na lang ay VIP na. Huwag nyo na itanong please kung magkano ang makalapit sina Luis Manzano, Iza Calzado, Tessa Prieto-Valdez at Geny Lopez habang nanonood ng concert kasi kapresyo na ang ticket ng bagong camera phone with wifi. Punyetaaaa. Ilang linggo din sumakit ang loob at bulsa ko dahil dito.
Pagpatay ng ilaw, pumasok na ang Maroon 5, nagkagulo. Nawala si Essy sa tabi ko. Humawi sya ng dalawampung tao at limang bouncer para makarating sa unahan ng stage. Wala syang pakialam sa kasama kung mag-isa, pambihira! Ayaw ko naman sundan si Essy, ang ganda na kaya ng pwesto ko na isang tambling lang ay stage na. Buti na lang, yung katabi ko na naging instant best friend ni Essy ay solo lang at patay na patay din sa Maroon 5 kaya nagsama sila sa harap mismo ng stage. Ako? Jumamming kasama ni Herza (college friend) na pinabayaan din ni Allan (kasama ni Herza) dahil pumunta din si Allan sa harap ng stage.


Si Essy ay nakakuha ng guitar pick ni Jimmy Valentines (lead guitarist). Si Salbehe ay nakakuha ng bragging rights.
Sa sobrang saya ni Essy pagkatapos ng concert, ang sabi nya ay pwede na syang mamatay. Kaya kapag nakita nyo sya, please lang, kill her now.
Edit: Kwento ni Essy.

