Animal Farm

by salbehe on June 22, 2011

Bukod sa pag-aalaga ng hanggang ngayon ay unemployed kong kapatid na si Emon ay maraming pet na inaasikaso si Mamita. Mayroon kaming dalawang pusa, si Mingming at Day. May ilang pares din ng lovebirds. May Japanese spitz, mukhang Japanese spitz at Shih Tzu. Nagkaroon din kami ng Golden Retriever, turtle, goldfish, langaw at lamok. Kulang na lang ay ahas and it’s a jungle out there. Paborito namin si Kat-kat, yung Shih Tzu. Ang Shih Tzu ay ang breed ng aso na maliit ang katawan at may mahabang balahibo katulad ng picture sa ibaba.

shih tzu.png

Hindi yan si Kat-kat, pero malapit na ang ganyang hilatsa. Dahil mabilis humaba ang balahibo ni Kat-kat, kailangan syang madalas ipa-groom. Ang siste, mahal magpa-groom ng aso, P700-800. Bukod pa ang sabon, shampoo at dog food. Kamusta naman yun, para uling nagpapa-aral si Mamita. Last weekend, may super bright idea si Mamita. Sya mismo ang gugupit kay Kat-kat gamit ang gunting.

Sinimulan ni Mamita gupitan si Kat-kat ng umaga, natapos sya ay hapon na. Sa buong panahon na ginugupitan ni Mamita si Kat-kat ay nasa kwarto lang kaming magkakapatid, kuntento na kaming marinig si Mamita na pinapagalitan si Kat-kat dahil sa malikot sya habang ginugupitan. Mahirap nang makita ni Mamita na pakalat-kalat kami habang pinagti-tripan nya si Kat-kat. Kaya kinabukasan (Oo, kinabukasan na uli ako lumabas)…

Salbehe: May bago pala tayong aso, nasaan si Kat-kat?
Mamita: Si Kat-kat yan!