Brand New Shoe
by salbehe on June 6, 2011
Isa sa perks ng pagiging babae ay hindi kasalanan kung magkaroon ng iba’t-ibang sapatos for every occasions. Mayroong sapatos na pang-opsina, pang-gala, pang-punta sa palengke, pang-mall, pam-birthday, pambato ng ipis, etcetera.
Ang latest at current favorite ko sa aking shoe rack ay ang pinakapanget na sapatos sa balat ng lupa: Crocs. Ang most pirated, overpriced at plastic shoe na ito ay komportableng isuot at dahil tamad ako, importanteng sabihin na madali itong linisin. Ang ginagamit kong panlinis ay Johnson & Johnson No More Tears Shampoo with Conditioner para smooth and shiny at para hindi iiyak. Oo, minsan pinagti-tripan ko din ang sapatos.

Ang favorite color ko ay green. Karamihan sa blouse, shirt at dress ko ay green. Kaya kapag suot ko ang parpol shoes ko ay nakokonshoes ako dahil mukha daw akong talong na naglalakad sabi ng dalawang kasama ko sa picture na ayaw ko nang pangalanan.


Keribels lang naman ang talong get-up ko di ba? di ba? DI BA? Paborito ko naman ang talong. Talong na may itlog. *eye roll*

