Gallus gallus domesticus
by salbehe on June 28, 2011
Siguro naman alam nyo ang pamatay na promo ng Max’s Chicken All You Can. Oo, nakakamatay. Muntik nang atakihin sa puso ang manager ng Max sa Sta. Cruz, Laguna. Tatlong palit na kasi ng mga tao sa katabi naming table pero kumakain pa din kami. Tuwing nag-re-refill ng manok sa plato namin, sinasabi namin na “Nakakatakot tayo, shet!” pero sige pa rin, lamon kung lamon. A gastronomical experience!

Yan ang bagong Facebook profice picture ni Emon na may caption na : “My condolences to all the Gallus gallus domesticus who were sacrificed in the “chicken all you can” feast. You will always be a part of me, as proteins and fats.”
Kailangan kong i-Google para malaman na ang Gallus gallus domesticus ay scientific name ng manok. Pangalawa ito sa natutunan kong scientific name. Ang una ay nalaman ko din in a very hard way. Ganito, ang sabi noon ni Essy ay, “Ate, pakiabot nga ng Oryza sativa.” Gusto kong ihagis sa pagmumukha nya ang pinggan ng kanin.
Edi sila na ang mga scientific. Meynteyn!

