Damo at Trigo

by salbehe on July 22, 2011

Tungkol sa damo at trigo (wheat, in English) ang homily sa kasal ni Roi. Sabi ng pari, ang buhay ay puno ng masama at mabuti, parang yin at yang, parang black and white. Hindi ko masyadong na-internalize dahil nagtatawanan kami sa likod. Ang sabi ni Cielo, tama si Father. Pinagsasama daw talaga damo at trigo katulad nang pagsasama nila Roi at Roan, obvious naman na si Roi ang damo.

Church.jpg

‘Yan ang eksena sa likod ng simbahan, laitang walang humpay. Sana walang nakapansin na ang tangkad ko sa kanilang lahat, kung may nakapansin, okay payn, nakatayo ako sa upuan. Lech. Maganda, maayos at memorable ang kasal ni Roi. Maganda ang simbahan, malamig ang paligid at ang gara ng bridal car.

Wedding car.jpg

May masarap nga lang ihampas sa gulong pagkatapos ay ikulong sa trunk. Clue: babae. Jooooke!

Bago pala ang kasal, nag-sidetrip muna kami sa Calaruega para.. ehh.. magpa-picture.

Caruega.jpg
Pinakamataas pa din ako sa kanilang lahat. Bohahaha!

Reception Panickers.jpg

Again and again, ulit ulit na lang parang Market! Market!, congratulations Roi and Roan. Nauumay na ba kayo kakabati ko? Gusto ko kasi ng pasalubong na iPad 2 galing Hong Kong. Kayo na may honeymoon sa Hong Kong!