I’m Falling In Love Again
by salbehe on July 13, 2011
Kaibigan ni Roi si Harvey. Nung una naming pagkikita (bandang December 2010), basura ang lablayp ko, yung lablayp naman ni Harvey ay malapit na din itapon. Meaning, boplaks ang lablayp ko at yung lablayp nya ay nagbabadya na malapit nang magtapos. Dahil nagkakasarapan kami ng kwentuhan nung gabing yun, pagkasara ng Madison Central ay pinatuloy ko sila sa bahay. Yung mga kasama ko, madalas nang matulog sa bahay kaya ang baguhan lang sa bahay ko nung gabing yun ay si Harvey. Pagdating namin sa bahay, ang tanong ni Harvey, “Kelan pa ang huling uwi mo dito?“. Nagtaka ako, pero sinagot ko sya ng maayos, “Araw-araw akong umuuwi dito.” Ang sabi nya, “Akala ko months nang walang nakatira dito sa sobrang dumi!” Syempre walang bahid ng pagkahiya ko lang syang tinawanan dahil alam kong magkaibigan lang kami. Noon.
Noong Holy Week, nag-leave si Harvey para makasama kami, well sige na nga hahabaan ko na ang hair ko at blog ko naman ito, para makasama talaga ako. Seryosong shit pala sya na gusto nya akong ligawan, nabigla ako. Kasseeh, marami pa kaming pagkakaiba. Seryoso sya, kwela ako. Neat freak si Harvey, burara ako. Mga ganyang shits.
To make the short story even shorter, naging kami at eto na talaga ang kwento ko. Intro lang yang nasa taas.
Noong unang panahon, sabi ko sa sarili ko, ayaw kong magkaroon ng boyfriend na blogger. Ngayon, with conviction, masasabi kong ayaw ko na talagang magkaroon ng relasyon sa blogger. Magulo, makalat at magulo. Kaya ang laking pasasalamat ko nang dumating sa buhay ko si Harvey. Sobrang cheesy, shet!
Nakwento ko kay Harvey na..
Salbehe: Nagba-blog ako.
Harvey: (blank face) Okay.
Salbehe: Magaling ako! Sikat ako! Maraming nagbabasa sa blog ko!
Harvey: (blank face) Okay.
Salbehe: Alam mo bang sa iyo lang ako nagmalaki na magaling ako, na sikat ako. Hmp! (sad face)
Harvey: Ano ba naman kasi ang pakialam ko sa blogs? Maswerte na nga kung makapag-open ako ng Facebook.
Salbehe: Hahahaha! (Happiness.)


