Weekend Hulabaloo
by salbehe on July 21, 2011
Dalawang araw akong absent dahil nag-LBM ako. Kung mukhang hindi kapanipaniwala at nag-iinarte lang ako sa iniimbentong sakit na ito ng mga tinatamad na empleyado, nagkakamali kayo. Hanggang ngayon kumakalam pa din ang tyan ko. Hindi na lang atay ang nagrereklamo sa parte ng katawan ko, idinamay pa nya si Tyan.
Friday pa lang, humataw na ako. Birthday ng kaibigan kong si Arcie, nagpa-houseparty sya sa condo nila sa California Garden. Spaghetti, puto, friend chicken na hindi nakain dahil sa sobrang alat, maki, siomai, cake, at kung ano ano pang shit ang nilantakan ko. Iba-ibang mix drinks din ang nasubukan ko, nalaman kong pwede palang ihalo sa gin ang extra joss. Sabado, may inasikaso akong hindi pwedeng sabihin dahil sikretong malufet, nag-foodtrip din pagkatapos. Linggo, kasal ni Roi, at hindi pwedeng hindi kumain. Naka-isang kilo yata kami ng blockbuster na morcon. At oo, nag-regalo kami ng arinola.
Noong Monday ko na naramdaman ang pighati, Ate Charo. Umabot ito hanggang kahapon. End. Hindi naman tungkol sa LBM ang kwento ko, nakakadireh kaya magkwento ng tungkol sa taeng kolor green. Ang chika ko ngayon ay yung nangyaring Pinoy Henyo sa bahay nila Arcie nung birthday nya. Kelan nga uli yun? Nung Biyernes. Ang main category ng Pinoy Henyo game namin ay bastos. Lahat ng mga bagay, pangalan, pangyayari lugar, etc na may kabastusan. Naggrupo kami sa dalawang team: Team Waka-waka at Team Tambukeke.
Ang unag salitang pinahulaan ay blowjob. Ang unang sumabak sa hulaan ay si ako at hindi ko yan nahulaan. Bobo much! Hindi ko kasi naisip kung sex position ba ang blowjob o pangyayari. Hindi pa pala ako ganun kabastos katulad nang inaakala ko. Sumunod na ang word na: tamod, 69, betlog, orgasm, sex scandal. Hanggang lumabas ang word na MILF* na huhulaan ng Team Tambukeke. May mga nagreklamo…
Team Tambukeke: Hala ang hirap naman nyan! Ang daya!
Tean Waka-waka: Kaya yan, pahirapan na lang yung word namin sa next round.
Mae (Ang best honor, Team Tambukeke): Baguhin na lang yan, anong susunod na word? Abu Sayyaf?
LAHAT: Bakit Abu Sayyaf? Bastos ba ang Abu Sayyaf?
Mae: Eh bakit kasi may MILF?
Literal na may gumulong sa kakatawa! Winner si Mae!
* MILF = Mother I Like to Fuck
Tarot Card Reading Shit
Bagay pala sa akin ang naka-headband.. at naka-pout.
Team Waka-waka. Winning team!

