Luha ng Buwaya
by salbehe on August 2, 2011
Naisip mo na ba?
Na ang misa ay katulad din ng harutan?
_____Upo.
__________Tayo.
_______________Upo.
____________________Luhod.
_________________________ Upo.
Repeat until fade.
Naisip mo rin ba?
Na ang inuman ay kapareho din ng yaong nasa simbahan?
________________ _________Kasalanan.
_________________Kumpisal.
________Kasalanan.
Kumpisal.
Repeat until fade.
Napagtanto mo ba?
Na wala itong kwenta?
____Oo.
________________ _________Oo.
Oo.
_________Oo.
Repeat until fade.
Ang “luha ng buwaya” ay nangangahulugang mapagbalatkayo o mapagkunwari.

Lahok sa pakontest ni iya_khin.

