Shockers
by salbehe on August 4, 2011
Habang binabasa ko ang reblog nila blsbs at jastinoy hindi ko mapigiling ma-shock. Okay, over na ang na-shock ako pero nakakagulat naman talaga na ibang iba na ngayon ang Elbi. Eto ang ilan sa mga shockers:
One Silangan Place na ang dating CCP Hostel. Hindi nyo lang alam kung gaano ka-creepy yan dati.
Ang mahal na ng tuition fee ngayon! Shocks. Dati, 6K ang full load kasama na dun ang kupit. Ngayon, inaabot na ng bente mil, tuition pa lang yan, paano na kukupit?
Syempre, hindi na 15php ang estudyanteng pamasahe papuntang Crossing Calamba.
Wala na sa likod ng NCAS ang sakayan papuntang Forestry.
Hindi na bumababa ang jeep sa Physci, Biosci, o CEM. Sa katunayan, hindi ko na alam kung ano na ang ruta ng mga jeep sa loob ng campus. I’m so lost. Chos.
Yep, naabutan kong talahiban pa lang ang LB Square.
Hindi na pwedeng matulog sa 3rd floor ng Main Lib?! Shocks, yun pa man din ang pinupunta ko sa Library.
Wala ng 18php Meal 1 sa Papu’s. Hindi na lang din Papu’s ang natatanging siomai-yan sa Elbi.
Kofiholics Anonymous at Coffeeblends lang ang coffee shop noon. Ngayon, kulang na lang ang Starbucks.
Hindi na na-e-enjoy ang unlimited rice ng Salad Country, yan ang bumuhay sa akin ng halos apat na taon.
Hindi na pwedeng “tumagos” sa Humanities, wala ng shortcut. Buti na lang naka-graduate na ako.
May mga bench na sa palibot ng Freedom Park, dati rati kasi damo lang ang option mo kung saan pwede kang umupo.
Wala ng kulay green na tubig sa “pond” ng Carabao Park. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa rebelasyong ito.
Wala ng unlimited drinks sa Burger King. Wala na ngang Burger King.
Wala ng ice cream sa Orange Julius sa Vega. Hindi ko man lang nakita kung orange si Julius. Korni.
Wala ng Diplomat sa Vega.
Wala ng Star Commercial sa baba ng Vega.
Wala na yung botique ni Jolina Magdangal dun sa tabi ng Agrix.
Pero ang UPLB STATS? Buhay na buhay pa. Uma-alumni homecoming pa.







Anu man ang magbago sa Elbi, walang pinagbago ang UPLB Stats. Magulo, masaya at kwelang kwela pa din. Maraming salamat sa mga residente para sa napakasayang alumni homecoming. Sabi nga ni Nell, one hell of a night with UPLB Stats. Awyeh. Kitakits guys. Photo credits to Borg, Nell, Doni and Lei.

