Spin Of My Life
by salbehe on August 19, 2011
Noong pumunta kaming dalawa ni Roi sa Malaysia, syempre ako ang nag-ayos nun. Ako ang nagpa-book ng flight, ako ang nag-bill sa credit card ko, ako ang gumawa ng itinerary trip at budget plan, si Roi ay sumama lang. Big mistake number one, pagkatapos kong gumawa ng IT, tinanong ko si Roi kung may request syang iba pang puntahan bukod sa anong nakalagay na sa ginawa kong IT. Ang sabi nya ay gusto nyang pumunta sa Genting at Sunway Lagoon.
Edi ginugel ko. Ang Genting at Sunway Lagoon pala ay malaking theme parks na may death defying rides.
Not.
Happening.
Kahit kailan kasi hindi ko na-enjoy pumunta sa Enchanted Kingdom at Star City. Mabilis akong mahilo at malakas ang kaba ko sa mga rides. Yung feeling na mamamatay na ako, edi magpapakamatay na lang ako sa paraang mag-eenjoy ako. Hindi yung natatakot pa ako habang namamatay.
Sinong ba ang may sabi na fair ang mother earth? Nasunod ang sawsawero sa plano at pumunta kaming Genting at Sunway Lagoon. Pero ang totoo, kinakabahan ako. Ayaw ko kasing maging kill joy dahil dalawa na nga lang kaming pumasyal dun eh iiwanan ko pa si Roi sa mga rides. Pero ayaw ko pa din naman mamatay sa kaba kaya pagkakita ko ng sa tingin ko ay kaya kong ride, kinuha ko na ang opportunity na sumakay dun.
“Roi, sakay tayo dito! Pampa-set ng mood!” May nalalaman pa akong pampa-set ng mood.
“Sige, parang Flying Fiesta lang yan.” Sagot ni Roi.
Eto na ang big mistake number two. Mukha ngang Flying Fiesta ang ride na Spinner, pero hindi. Hinding hindi. Sa Flying Fiesta, umiikot lang nang umiikot na may beri beri slight na tagilid. Sisiw. Chicken. Kinaya ko ito sa Enchanted Kingdom. Yung Spinner? Bukod sa pag-ikot nang bonggang jabongga ay hinahagis pa akong parang yo-yo. Feeling ko nami-misplace ang kaluluwa ko sa katawang lupa ko. Hindi pa natatapos ang sigaw ko, gusto ko na uling sumigaw.
Pagkatapos ng pampa-set ng mood, pinabayaan ko na si Roi mag-isa sa mga ride.

Spinner, mapagpanggap na Flying Fiesta.
Pagkatapos ng dalawang taon, bakit ko nakwento ‘to? Kasi nagtext ako kagabi kay Roi…
Me: Roi! Nanonood ako ngyn ng biggest loser, ang episode nila ngayon ay pumunta sila sa Enchanted Kingdom. Pinakita yung ride na flying fiesta. Tanda mo nung pumunta tayo sa Malaysia at sumakay dun sa akala nating parang flying fiesta LANG? But no! Parang gusto tayong ihagis sa langit spinning all over!!!
Roi: Haha. Naalala ko nga un!

