Home Sweet Home

by salbehe on September 12, 2011

Last weekend, umuwi ako sa Laguna, umuwi din si Essy. Nag-bake si Essy ng yellow butter cake with chocolate and vanilla frosting.

Yellow butter cake with chocolate and vanilla frosting..jpg

First time mag-bake ni Essy ng cake, at syempre kailangan nya ng titikim. Napilitan tuloy akong kumain kahit nag-di-diet ako dahil mahal na mahal ko ang kapatid ko at kailangan ko syang suportahan. Eto ang aming hatol:

hatol.JPG

May nakatutok pong kutsilyo sa leeg namin habang tinatayp yan. Syempre joke lang.

Nang paluwas na ako sa Quezon City kahapon, nag-suot ako ng leggings para mapansin ni Mamita na seryoso akong hindi muna mag-i-skirt o dress o short para maka-iwas sa dengue. Leggings are a type of fitted clothing covering the legs. Ibig sabihin, bakat na bakat ang hugis ng sexy kong katawan. Mamatay na ang tumawa. Napansin kong ang ganda ang pwet ko, maliit lang at cute (syempre proportion lang sa cute kong katawan) pero protruding. Pinagmalaki ko ito agad sa kay Essy,

“Essy, tingnan mo ang pwet ko, ang laki!”

“Edi ikaw na.”

“Siguro kaya hindi ako biniyayaan ng malaking boobs dahil maganda naman ang pwet ko.”

“Patingin nga”, pina-ikot ako ni Essy para mas makita nya pwet ko, “Hindi naman. Mataba ka lang.”

“Walangya ka talagang hayup ka.”

Pumasok na sa usapan ang isa pang kontra bulate ng buhay ko, si Emon.

“HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!” Oo, naka-caps lock ang tawa ni Emon. “Bakit ganyan ang suot mo? HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Mukha kang rambutan!!”

IMG00042-20110911-1432.jpg

IMG00040-20110911-1430.jpg

Vanity shots. Shoot me now.