Labandera Ko

by salbehe on September 6, 2011

Hindi ako naglalaba. Ang logical explanation ay mas matipid magpalaba sa laundry shop. Inaabot lang ng Php150-Php200 (approx., Php25 per kilo) ang laundry ko kada linggo kasama na ang pagpaplantsa ng uniform (wash-dry-iron); pambahay/pantulog, pants, undies, tuwalya, minsan may bedsheet, kumot at punda ng unan (wash-dry-fold). Free pick-up and delivery pa.

Ang totoong paliwanag kung bakit hindi ako naglalaba ay yung obvious, dahil hindi ako marunong.

Isang tambling lang sa kung saan ako nakatira ang pinagpapalabhan ko, ang Wash-A-Holic. Pangalan pa lang ng establishment, alam ko nang adik ang mga andito. I have been warned.

Dalawang tao ang laging nasa Wash-A-Holic, si Ati at si Koya. Si Koya ang delivery/pick-up guy. Mabait si Koya kaya kapag nagde-deliver o nagpi-pick-up sya ay binibigyan ko sya ng tip. Last month binigyan ko si Koya ng isang bote ng The Bar (as a tip) na natira namin nung minsan nag-inuman sa bahay. Nung sumunod na nagkita uli kami, tinanong ko sya kung kamusta ang binigay kong The Bar, ang sabi ni Koya,

“Ayos po Ma’am! Ininom ko na agad pagkabigay nyo!”

Napangiti na lang ako, mukhang magkakasundo talaga kami ni Koya, alchoholic ang punyeta.

Si Ati naman ang tagapagbantay sa laundry shop, kahera at taga-plantsa. Si Ati din ang katext ko kung magpapa-pick up na ako ng labada. Okay naman si Ati kaya lang kapag nag-te-text..

Screen_20110906_101716.jpg

… ay hindi ko maintindihan!

Hindi na sya nag-reply pagkatapos kong i-send yan. Wafuckels.