Makes My Heart Hurt

Kaninang tanghalian, nag-message sa akin ang pinsan ko, birthday daw ni Lola. Ang reply ko ay “birtday ngayon ni Lola?”. Oo, inulit ko lang. Hindi ko alam. Nalungkot ako bigla. Nami-miss mo lang daw ang isang tao kapag naaalala mo sya. Namiss ko ngayon nang bonggang jabongga si Lola Floreng.

Namiss ko ang mga kwento nya, ang kwentuhan namin. Madalas nya akong tanungin kung kelan ako mag-aasawa. Sabi nya kahit hindi sa simbahan ako magpapakasal ay aattend sya. Namiss ko ang pagbigay nya sa akin ng isang pack ng Stick-O na regalo ni Lola sa birthday ko. Namiss ko na ang pag-re-repair nya ng mga damit ko. Namiss ko ang kanyang update sa mga pinapanood nyang tagalized telenobela tuwing hapon.

Namiss ko ang bahay nya kung saan lagi dun ginaganap ang birthday nya at pasko. Kung buhay siguro sya ngayon, lahat kaming magpipinsan ay pupunta sa bahay nya this coming weekend at magluluto si Lola ng sopas. Aasikasuhin nya kami katulad ng lagi nyang pag-aasikaso sa amin. Naiiyak na ako habang tinatype ito. Hindi ko maipaliwanag, hindi nyo din naman maiintindihan.

Ngayon ko lang naramdaman ang bigat ng mga salitang “I miss you”.

Sabi ng pinsan ko magpapamisa daw mamaya ang mga Tita at Tito ko, pagkatapos ay kakain sila sa labas. Sayang hindi ako makakapunta. Naiiyak na naman ako.

Happy Birthday Lola Floreng! Wala pa din po akong asawa.

withlola.jpg

Biglang laki ni Essy, parang nag-Cherifer.

0