Text Addicts 2
by salbehe on September 28, 2011
Bago ang lahat, nagpapasalamat ako sa mga nauto sumagot na ng serbey ko. Kung hindi ka pa nakakasagot, eto na ang iyong pagkakataon. I-a-analyze ko ang mga sagot sa susunod na post.
Now back to regular programming.
Tanda mo yung kwento ko tungkol sa mga kung sino-sinong nag-te-text sa akin? Hindi pa sila tumitigil manggulo ng aking precious and delicate life. Tsarot! At dahil marunong na ako ngayon mag-screenshot sa phone, eto sila.

Yes, I need cash. Lagi naman. Pero hindi ko pinagkakatiwalaan ang hinayupak na Apple na yan. Mas okay na mangutang kay MasterCard. May points pa.

Hindi naman sa hindi ako interesado sa mga ganitong shits, kaya lang mahirap mag-browse sa phone. Kaya tiningnan ko ang site gamit ang office desktop (Lakas ng loob di ba? Sa opis pa binuksan.) para mas mabilis magload, walang kwenta. Wala yung dalawang lalake. Ano naman kasi ang pakialam ko kay Angelica.

Kaboom!

