Sana

by salbehe on October 27, 2011

Sana’y masabi sa awit kong ito

Lahat na ninanais nitong puso ko.

Sana saan man patungo sa buhay  ,

May pag-ibig , may pag-asa , may saya

at saysay .

Sana sa bawat sandali’y matikman pa,

Sarap ng pagsasama at simpleng ligaya

Tara na, sakyan lang, malay mo…

‘Andiyan lang  , ‘andiyan lang ang hinahanap mo.