Weekend
by salbehe on October 5, 2011
Last weekend, punong puno ako ng lakad yung tipong hindi na ako nakapagpahinga. Pero okay lang, wala naman akong reklamo. Ngayon ko lang uli naranasan na super hectic ang weekend ko kahit na bumabagyo. Madalas kasi kasama ko lang si Mamita (mother), Essy (sister), Harvey (boyfriend) o Vajarl (whatever). Worst na kapag kasama ko si Vajarl kapag weekend, yung tipong wala na akong choice at pinagtatyagaan na lang namin ang isa’t-isa.
Friday pa lang bumu-booking na ako. Birthday ni Rae na kaibigan ni Harvey sa dati nyang opisina. Na-meet ko na isang beses si Rae kaya confident na akong magpalibre sa birthday nya. Andun din si Tonyo, Ria at Gayle. Hindi sila madalas uminom kaya nang malasing si Ria, sobrang laugh trip! Gusto ni Ria na magkaroon ng baby shower para kay Rae kahit hindi buntis si Rae.
Sabado, nagkayayaan ang mga ka-wave ni Harvey na mag-inuman sa bahay ng ka-opisina nila sa Pasig, dahil kaladkaring tunay ang inyong abang lingkod, sumama ako. Masaya silang kasama, parang inuman noong college, may isang malaking ikot at may alak sa gitna. Na-meet ko sa inumang ito si Shamy, ang Emoterang Nurse.
Linggo, pumunta kami ng San Pedro, kina Harvey. Eto ang wagas na food trip. Hipon, alimasag, tulya, inihaw na liempo, itlog na maalat at kamatis, tilapia, buko juice, rambutan at saging. Hindi ko alam kung paano pa nagkasya sa tyan ko ang meryenda kina Roan (asawa ni Roi) na tacos, cake, ice cream, pansit, menudo, at hindi ko na alam yung iba pa. Si Roan ay kaklase ni Harvey since Grade 1. Masabi lang.
Iisipin nyo siguro na ambait bait kong girlfiend, na sinamahan ko si Harvey sa lahat ng gusto nya. Think again. Seriously, think again. Papayag ba naman ako ng walang kapalit? Simple lang naman ang gusto ko, sumama sya sa akin this coming weekend sa birthday party ng mga October celebrants. Yun lang. Pumayag naman si Harvey nang hindi nya alam kung anong klaseng birthday party ang a-attendan nya sa Biyernes. Basta ang sabi ko lang, maghanda sya.
Eto ang invitation sa Facebook Events.
“Come in your most outrageous outfit and wig!”
Super excited!

