Vagina Monologue

Tuwing pumupunta ako ng doctor, pakiramdam ko ay bumababa ang pagkatao ko. Let me explain.

Bandang July/August, pagkatapos ng annual medical examination namin, nirecommend ng doctor na magpa-pap smear ako. May infection daw kasi ako, pero hindi UTI kaya baka sa vagina nanggaling ang infection. Natakot naman ako kaya pumunta agad ako sa OB Gyne. First time ko noon magpa-pap smear. At ganito yun.

Ipapasok ng doctor ang forcep/speculum sa vagina. Ibubuka ang forcep at i-su-swab ang cotton buds/spatula sa lining ng uterus. Masakit? Kailangan pa bang itanong kung masakit?! Syempre! Mabilis kong kinalimutan ang parteng yan ng buhay ko, Ate Charo. Gusto ko agad mag-move on.

Moving on, November 2011. May medicine reimbursement sa opisina worth Php5,000. Kahit kailan hindi ako nakapag-reimburse dahil ang tanga kong magtabi ng resibo ng mga gamot. Suggestion ni Opismate, pwede akong magpa-Anti Cervical Cancer vaccine tapos yun ang i-reimburse ko. Ang vaccine ay yung kino-commercial ni Kris Aquino at Chris Tiu. Like ko ang idea ni Opismate!

Kaya maaga nung Sabado, pumunta ako sa OB Gyne para magpa-vaccine. Ibang OB Gyne na ang pinuntahan ko dahil ayaw ko na uling mapagtripan ng doctor. Mabait si bagong OB Gyne, marami syang advice kung ano ang dapat at di dapat gawin bago at pagkatapos magpa-vaccine. Bago magpa-vaccine kailangan muna ng preparatory lab test. Unang test ay pap smear. Potashet! Not again!

Eh ano pa bang magagawa ko, alangan naman tumanggi ako sa doctor. Atsaka nakapagpa-pap smear na ako dati (yung parte ng buhay ko na gusto kong kalimutan) kaya okay payn. Bring it on! Pap smear it is. Bumukaka na ako sa harap ni Doc and I let her do her thing. Pagkatapos ng pap smear, nagrequest sya ng breast and transvaginal ultrasound na kailangan gawin sa kabilang room (Ultrasound Section).

So, bumalik ako ng Nurse Station, pinakita ang health card ko, nagbayad sa cashier atsaka pa ako nakarating sa Ultrasound Section. Naka-skirt ako kaya ang sabi ni Med Tech ay blouse, bra at panty na lang ang hubarin ko, itaas ko na lang daw ang skirt. Ang breast ultrasound ay ginagamitan ng katulad na pang-ultrasound sa baby na madalas makita ko sa movies. No sweat.

Pagkatapos ng breast ultrasound, nilabas ni Med Tech ang pang transvaginal ultrasound. At dito ako muntik himatayin. Mahaba ang device na may ulo sa dulo, parang ganito. I swear! Magtanong pa kayo sa kilala nyong doctor. Nagbukas si Med Tech ng condom, nilagyan ng lubricant ang device, inilagay ang condom sa device, nilagyan uli ng lubricant. Sa puntong ito, hindi ko na napigilan magtanong.

“Miss, ipapasok ba yan?”

“Oo”, sagot ni Med Tech. Kalma lang si ate. Punyeta.

“Akala ko ultrasound lang?”

“Huwag kang mag-alala, yung ulo lang na naman ang ipapasok ko.”

Lentek! I’m not prepared sa ganitong shit! Pero wala na akong nagawa mga giliw kong nagbabasa nito. Gusto ko syang pigilan sa kahalayan gagawin nya sa akin pero hindi ko nagawa. Ako’y pasyente lang at walang laban na nagpamolestya. Habang pinapaikot-ikot nya ang lentek na device sa vagina ko, eto lang ang naiisip ko.

Shit! Shit! Shit! Gusto ko lang naman makuha ang Php5,000 medicine reimbursement ko, bakit nagkaganito ang buhay ko. Shit! Shit! Shit!

Sorry Mamita, hindi na po ako virgin. :(

Dear Santa I’ve Been Good Wish List

Something small: Small headbands.

Something big: Big headbands.

Something cute: Cute headbands.

Something soft: Soft headbands.

Something techie: Keyboard. Yung keyboard ko kasi dito sa opis ay marami ng bread crumbs at molds sa ilalim ng mga letters. Hindi nagpapalit ng keyboard dito sa opisina hanggang hindi nasisira kahit pa binabahayan na ‘yan ng kung ano-anung living things. Onsekantot, sirain ko kaya ang keyboard ko para may instant keyboard ako? Kaya, techie headbands na lang.

Something fancy: Fancy headbands.

Something (insert your favorite color) green: Green headbands.

Something wearable: Headbands.

Something you need: Headbands.

Something you can use for work: Headbands for work.

Something sweet: Sweet… headbands?

Dear Santa I’ve Been Good and I really, really, really want: Kindle.

 

********************************************

 

Dear Santa,

‘Yan pong nasa itaas ay para sa exchange gift/kris kringle ng mga blogger na ginawa ni Prinsesa Musang (PM). Ang cute ng ideyang ito. Bago pa lang ako sa blog nya kaya medyo wholesome ang mga hiling ko. Gusto ko sana humingi ng lubricant, edible panty, etc, pero tsaka na lang. Siguro next year.

Alam mo Santa, lagi akong my wishlist post tuwing malapit na ang Pasko. Hindi naman talaga para sa iyo yun kasi alam kong niloloko mo lang ako Santa, alam kong hindi ka totoo. Nagpaparinig lang naman talaga ako sa mga nagbabasa dito. Pero pano nila maririnig kung nagbabasa sila? Ang labo ko.

Compared last year Santa, I’ve been good this year. Really good. Masabi ko lang.

Love lots,

Salbehe

Family Fued

Nag-survey ako ng 44 tao tungkol sa mga bagay-bagay, at ito ang resulta.

1. Ano ang pinaggagamitan ng hintuturo?

Ang obyus na sagot ay panturo at pangkulangot, pero ang top answer ay may malisya. Kasama sa malisyosong sagot ang: pamamakyu, panglaro ng clitoris, pang-finger and the likes.

2. Ano ang bagay na sana ay iyong na-mi-miss.


Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako na karamihan na sana ay na-mi-miss ng mga respondent ay mga materyal na bagay katulad ng pera, kama, teddy bear at shawarma. Marami din ang nagdrama na sana ay na-miss nila ang ex nila, pag-ibig at virginity. Ang 11% ay yung mga nag-Pass, hindi naintindihan ang tanong o ayaw aminin na emo shit din sila.

3. Magbigay ng okasyon kung saan nagpapakalasing ang tao.

Top answer kapag may birthday at okasyon katulad ng binyag, kasal, libing, Oktoberfest, etc. Oo, inilagay ko sa okasyon ang libing. May sumagot na kailangan i-celebrate kapag first time makikipagtalik. Lets drink to that!

20% ang nagsabing naglalasing kapag nakipag-break o broken hearted. Winner na sagot ang Pag hindi pa nag kakabuypren tas malapit na mag 2012. Winnuuur!

4. Anong oras gumigising sa umaga ang karamihan sa mga tao?

Kapag tinanong ka ng kung anong oras, sasagot ka dapat ng oras. Hindi yung marami pang paliwanag at sa huli ay walang tiyak na oras na sagot. Hindi ko tuloy ma-classify ang sagot na: “binibining statistician, ano ho ba ang mas mataas ngayon? employed o unemployed? nakabase ho dito ang aking sagot”. Leche!

5. Pangalan ng isang pelikula na halos lahat ay napanood na.

Dapat siguro ang itinanong ko ay: Ilang beses mo napanood ang Titanic at One More Chance? Kasama sa “Others” ang Superman, Harry Potter, Twilight, etc.

6. Ano ang karaniwang kulay ng tae mo?

Sabi ng Wikipedia, ang normal na kulay ng tae ay brown. Kapag ang tae mo ay kolor yellow, blue, pink at may glitters pa, I wish you all the luck.

7. Magbigay ng pangalan ng gusali kung saan may maraming kama.

Kasama sa Motel ang mga sumagot ng Sogo, Anito at Eurotel. Yung mga sumagot ng ospital, factory ng kama, Uratex bldg., edi kayo na ang wholesome!

 

Maraming maraming salamat po sa lahat ng sumagot sa serbey ko. (:

Potek

Isa sa mga hindi ko makakalimutan na trip ay noong pumunta kami sa Calaguas Island. Hindi ako magaling na photographer kaya kukuha na lang ako ng picture ni Super Tikoy.

Yan ang Calaguas Island. Totoong ganyan kaputi at kapino ang buhangin. Totoong ganyan ka-blue ang dagat. Kung may isang beach ako na babalik-balikan, Calaguas Island na yun.

Noong pumunta kami sa Calaguas Island, siguro 3-4 years ago, wala pang resort sa mismong isla. Ewan ko ngayon kung meron na. Nag-stay kami noon sa tent na nasa ilalim ng mga puno sa tabing dagat. Mula noon, nauso na ang tinatawag na beach camp. Tsarot lang!

Walang kuryente at wala din signal ng kahit anong mobile service provider. Nakikigamit kami ng kubeta sa pinakamalapit na buhay na isang daang tambling pa kung saan kami nag-camp.

Ang saya saya di ba?!

Noong unang araw namin, excited kaming mag-swim, mag-skimboard at mag-photoshoot sa tabing dagat habang may sunset. Ang ganda ganda nun! Wagi! Noong madilim na, tsaka kami nakaisip na maligo na. Ang siste, hindi pa din pala inabot ng Maynilad Water District ang Calaguas Island. Wala ding poso at ang tanging pwedeng paliguan ay fifty tambling pa sa isang… balon.

Gamit ang flashlight, pumunta kami sa balon. Ang hirap maligo ng naka-flashlight, kapain kung saan nakalagay ang sabon at shampoo at magbihis sa tabi ng balon. Ang hirap hirap talaga, Ate Charo. Kaya nung sumunod na araw (tatlong araw kami sa isla), alam na namin ang teknik. Kailangan pala namin pumunta agad sa balon habang may liwanag pa ng araw. Kami na ang henyo!

Pagdating namin sa balon (second day), na-shock kami sagad hanggang bones. Pagsalok kasi namin ng tubig sa balon, color brown ang tubig! Kulay putik. Potek!

Sabi namin,

“Ganyan ba talaga yan kagabi?”

“Siguro.”

“Sana pala gabi na lang uli tayo naligo para hindi natin nakitang nakakadiri ang tubig!”

Promise, gusto ko uling bumalik sa Calaguas Island. Promise!

Gynecomastia

Kapag nagkakakwentuhan, mas naaalala ko ang mga kwentong may tag na bawal ikwento at secret. Nasabi na sa akin ‘to ng kaibigan ko noong college at napatunayan ko na over and over again na totoo ‘to. Halimbawa, sa isang barkadahang nag-iinuman, nagkukwentuhan syempre. Tapos may isang nagsabi na, “May kwento ako, pero secret ‘to ha?”. Hindi ba’t mas naaalala ang secret na kwento kaysa sa kahit anong kwento?

Ang kwento ko ngayon ay katulad ng dinescribe ko sa taas.

May trabaho na si Emon. Sa tingin ko, sa aming pamilya, si Mamita ang pinakamasaya. Makakakain na kasi si Emon sa buong buhay nya nang hindi humihingi sa kanya ng pera. Syempre bago sya tanggapin sa kumpanya, ang daming ka-ek-ekan. Kailangan asikasuhin ang NBI clearance, BIR tax certificate at magpa-medical. Pagkatapos ng medical ni Emon..

Emon: Alam mo ba! Meron akong Gynecomastia.

Punyeta. Dumale na naman ng scientific ang kapatid ko.

Salbe: Whut?!

Arte lang.

Emon: Gynecomastia ang medical term ng man boobs. Ngayon ko nga lang din nalaman. Abnormal condition pala ‘to.

Salbe: HAHAHAHA! (Pagkakataon ko nang tumawa ng caps lock!) Akala ko baby fats mo lang ‘yan! HAHAHAHA!

Emon: Hoy! Huwag mo itong i-ba-blog!

Emon.jpg

Hindi ko naman talaga maaalala ang kwentong ito kung hindi sinabi ni Emon na huwag kong i-blog.