Alam ko tanga ako…
by salbehe on December 8, 2011
… pero minsan nagugulat pa din ako sa katangahan ko.
________________________________
Date: Wed, 7 Dec 2011 11:40:33 +0800
Subject: Magandang araw!
From: nortehanon @ gmail . com
To: salbehe @ hotmail . com
Hello, Binibining Salbe!
Kahapon ay sobrang naaliw ako sa pagbabasa ng post mo tungkol sa iyong transvaginal eklavu. Naaliw ako kung paano mo ikinuwento ang iyong experience.
Tapos, kanina ay nahawakan ko na ang mga aklat na padala mo. Ang gaganda nila at pamasko pa ang tema. Anyway, sa unang pagbuklat ko ng pahina ng bawat isang aklat ay napansin kong may nakasingit na mga papel na siguro ay hinahanap mo sa ngayon hehehe.
Ang tinutukoy ko ay ang iyong resibo ng iyong medical exam at ang reseta para sa iyo. Baka kailanganin mo iyon sa iyong reimbursement at yung reseta naman ay baka kailanganin mo sa pagbili ng meds. Ipadadala ko na lang pabalik sa iyo, ha?
Take care, my dear.
–
Happily playing at www.nortehanon.com
Because life is not only to be lived, it is also to be celebrated.
________________________________
From: salbehe @ hotmail . com
To: nortehanon @ gmail . com
Subject: RE: Magandang araw!
Date: Wed, 7 Dec 2011 11:45:53 +0800
Potashet! Naisingit ko pala sa mga aklat! Sige itabi mo na yan, souvenir mo na. Huwag mo nang ipadala pabalik, sayang lang ang pambayad mo sa LBC. Dahil nga nawala ko ang resibo, nagpagawa na ako ng bagong resibo para may ma-ireimburse.

