It Depends
Papunta kami sa Megamall, kasama ko si Essy at Emon, para manonood ng Sherlock Holmes 2. Sinasama din namin si Mamita para may bibili ng popcorn at soda, kaya lang tinatamad sya atsaka may parating syang bisita.
“Sige na, Mamita, kahit sumunod na lang kayo”, sabi ni Essy. Alam ko na ang iniisip ni Essy, pinapasunod nya si Mamita para pagkatapos manood ng movie, ime-meet namin si Mamita para magpalibre ng pagkain. Minsan lang namin mauto si Mamita kaya sinusunggaban talaga namim kapag may pagkakataon.
“It depends.”, sagot ni Mamita.
Biglang sumabat si Emon, “Mahirap yan.” Yung mukha ni Emon, seryosong seryoso.
Naguluhan kami.
“Anong mahirap dun?”, tanong ni Essy.
“Kumain ng bakod.”
Katahimikan.
Katahimikan.

