Anong Pwedeng Gawin sa Boracay? Madami.
by salbehe on February 22, 2012
Day 1. Kung natyempuhan mo na maulan pagdating mo sa Boracay, ang malas malas mo. Pero hindi kailangan magpadala sa lakas ng ulan o sa tindi ng hangin para hindi ka mag-enjoy, lalo na kapag may dalang payong.
Sa gabi, kapag maulan pa din, pwedeng mag-relaks, uminom ng Long Island Ice Tea at manood ng fire dance.
Day 2. Mag-teambuilding dahil yun naman talaga ang ipinunta sa Boracay. Kung may kasama kayong malakas manalangin kay Lord, biglang magliliwanag ang kalangitan at magpapakita si haring araw.
Pagkatapos ng Company Kick-Off Meeting at Teambuilding, dun palang nagsimula ang partey!
Day 3. Ulitimate beach bumming. Pumunta sa Puka Beach at naglamyerda sa White beach.
Day 4. Adventure time! Pumunta sa Mt. Luho kung saan sa pinakatuktok ay makikita ang buong isla ng Boracay.
Subukan mag-Zorb! Ang pinakamatagal na 30 seconds ng buhay ko ay yung nasa loob ng malaking kulay puting bola habang gumugulong ito pababa. Hanepshet!
Sumakay sa paraw. Ang paraw ay ang local bangka na color blue. Hindi ko alam kung bakit blue ang national color nila basta blue silang lahat. Sa katig ng paraw ay may lambat kung saan dun uupo habang dinadala sa gitna ng dagat.
Day 5. Uwian na.
Sa susunod na punta ko gagawin ko naman ang helmet diving, banana boat, island hopping, parasailing at kung ano ano pang shit. So little time, so much to do!
This post is brought to you by IMS Health Philippines, PMR Team and my boss. The best company outing/teambuilding everrr!













