R Spa

by salbehe on February 7, 2012

Alam nyo yung mga group buying sites? Eto yung mga websites na nagtitinda ng mga coupons o vouchers ng iba’t-ibang establishment na may malalaking discount. Naglalako sila ng pampapayat, pampahaba ng eye lashes, entrance sa Splash Island, spa, tours at kung ano pang anek anek. Ako pa ba ang hindi magpapauto? Syempre, hindi. Bumili ako ng dalawang voucher ng full body massage sa “R” Spa.

Dahil medyo, kinda, like review ito, tawagin ko na lang “R” ang spa salon. Kaya ko binili ang voucher dahil sa Polaris Street lang ang R Spa, isang tambling lang sa opis. Yung ibang spa voucher kasi na nakita ko ay kung saang liblib na lugar pa ng kamaynilaan na hindi ko pa napupuntahan.

Bilang regalo ko na din sa birthday ni Harvey, pumunta kami nung Linggo sa R Spa for one hour of luxury and relaxation with a heavenly full body massage. We didn’t know how heavenly this would be.

Nagmamarunong lang talaga ako na alam ko kung nasaan ang Polaris Street. Nung nakita ko kasi sa Google Earth, malapit lang sa Makati Avenue at Jupiter Street kaya alam kong malapit lang sa opis. Pagbaba namin sa Jupiter Street, walang sign ng Polaris Street! Kaya nagpaikot-ikot kami at nagtanong na din. Ang Polaris Street pala ay kalapit ng Burgos Street. Kung hindi nyo alam, ang Burgos Street ay ang red light district ng Makati. Ibig sabihin, nagkalat ang pokpok at callboy dito, lalo na sa gabi.

Pagkakita namin ng building kung saan andun ang R Spa, may nagkukwentuhang pokpok at callboy sa ibaba. Tinanong namin kung doon ba ang R Spa, sabi nila sa 2nd floor. Pagpasok namin ng building pinagtitinginan kami ng tao, nagkakatinginan din kami ni Harvey. Shet! Ano na naman tong pinasok ko?

Pagdating namin sa 2nd floor, pinaupo kami sa lobby habang kino-confirm ang voucher ko. Sa lobby, may pinto papuntang 3rd floor. Sinilip ko. Sa may hagdan papuntang 3rd floor ay may malaking pangalan ng R Spa, sa ibaba ng pangalan ay may listahan ng mga masahista nila na may picture in their most daring look. Parang ganito:

(click to enlarge)

Parang ganyan.

Pagbalik ko sa lobby, pabulong kong kinausap si Harvey.

“Vey, spa yata ito na may extra service.”

“Gaga ka! Kanina ko pa napansin yan. Kung saan saan mo ako dinadala!”

So ayun, nagpa-full body massage kami.

Review of R Spa? Rated R.