Na-upload na ni Rae ang mga picture namin nung pumunta kami sa Baguio Citeeehh! Kaya eto na ang mga pictures sa kwento ko dati. Sabay sabay tayong maumay sa pictures.
Eto yung na-torture na chicken bago ginawang parang tinola. Mamula-mula ang manok at ang sabaw dahil sa dugo.
Sa Mine’s View.
Uma-aura si Harvey!
Kuya Kim??!! First stop ng pasyal namin sa Mine’s View, ganyan na kakulit si Harvey.
The Man-.. sion.
Harvey, Tonyo, Rae at Ria. Hindi pa kami pagod nyan.
Sa Botanical Garden.
Syempre, hindi nagpatalbog si Harvey.
The Powerpuff Girls sa Burnham Park
Nagdiner kami sa Oh My Gulay! Ang restaurant na ‘to ay nasa 5th floor ng La Azotea Building along upper Session Road. Take note, walang elevator o escalator. Pero sulit naman ang pag-akyat namin kasi ang ganda sa Oh My Gulay! Parang kumakain kami sa tree house na may art gallery pa.


Umorder kami ng mga house specialty ng Oh My Gulay!
OMG! Rice
OMG! Salad
Nung tinatanong na kami ng waiter ng, “What’s your drink?”
Ang sinagot ni Harvey ay,”Miss, bigyan mo nga kami ng OMG! Water.”
Nag-smile si ate at binigyan kami ng tubig.
0