- Noong Monday, nagdiner kami sa Chocolate Fire, kasama ko sina Jhet at Pat. Si Pat ay kaklase namin ni Jhet sa halos lahat ng CMSC subject noong college. Hindi ko akalain na makikita at makakakwentuhan ko uli si Pat after more than 5 years. Walang pinagbago si Pat, bukod sa mas lumaki na ang eyebags nya.
- Allison Harvard is in Manila right now. Ngayon ko lang napatunayan na napakawalang kwenta kong fan. Hindi man lang ako makikipagsiksikan mamaya sa Bench Trinoma para makita sya. I’m so inutil like yeah.

- Naka-wedgie ako ngayon. Wedgie is a shoe having a wedge-shaped piece under the heel, which forms a solid sole, flat from heel to toe. To illustrate, ganito:

- Kaya nagkaroon ng space ang napakawalang kwentang impormasyon na may bago akong sandals dahil sa tanang buhay ko, ngayon lang ako bumili ng 4-inches high shoe. Lampas 5 feet na ang height ko! Yey!
- Isang linggo na akong medyo kinda busy. Medyo kinda lang kasi may kailangan pa akong tapusin na trabaho pero may time pa akong magpalit ng tatlong beses ng blog layout. So far, sa lahat ng tinanong ko kung okay ba ang ganitong layout ay walang nagsabi na nagandahan sila. Mas gusto nila ang layout ng karaniwalang blog. Ang pinakamagandang description na nakuha ko ay nanggaling kay Vajarl na nagsabing mukha daw scrambled tae ang blog ko. Sa tingin ko ay bagay na bagay lang sa mga kashitan ko.
