Kwento Muna Bago Ang Mga Pictures

Pumunta kami sa Baguio last weekend kasama sina Rae, Tonyo, Ria (mga dating ka-opisina ni Harvey) at syempre si Harvey. Ang saya saya! Nagpakababuy kami very very much na tipong nahihirapan na ako ngayon mag-sandwich na lang uli tuwing lunch. Ang dami dami naming pictures (900++!) kaya sa sobrang dami ay hindi pa makaya ng powers ni Rae i-upload lahat. Kaya eto, magkukwento na lang muna ako. Game!

Tumira kami sa La Brea Inn, sa Session Road. Dumating kami ng 6AM ng umaga kaya pagka-check-in namin ay dumiretso agad kami sa pinakamalapit na bukas na restaurant. Actually, canteen lang yun malapit sa La Brea Inn. Pero keri boom boom lang, wala naman sa aming maselan sa pagkain. Kahit lupa pwedeng patulan basta pang laman ng tyan. Sa canteen na ito, umorder kami ng bulalo, dinakdakan at pinikpikan. Si Harvey at Tonyo lang ang may alam kung ano ang pinikpikan. Habang iniintay namin ang order, kinuwento nila kung pano niluluto ang pinikpikan. Pinapalo daw habang buhay pa ang manok para magbuobuo ang dugo hanggang mamatay ang manok. Yep, internal hemorrhage ang ikinamatay ng manok. Si Harvey at Tonyo lang ang kumain ng pinikpikan.

Kung iniisip nyong nag-inarte kami sa pagkain ng pinikpikan dahil nakakadire ang buo buong dugo sa manok, nagkakamali kayo. Pinaglaban lang namin ang karapan ng mga manok. The act of beating a live chicken to death, violates the Philippine Animal Welfare Act 1998. Pero yung totoo? Nakakadire.

Pagkatapos kumain, nagtaxi kami papunta sa Mine’s View. Bukod sa pagpapapicture sa view doon, bumili na din kami ng tite. Pagkatapos ay nilakad namin pababa ang The Mansion, Wright Park at Botanical Garden. Sa hapon, naglakad naman kami sa Burnham Park, namangka sa man-made lake, nagpahula, kumain ng mga street food sa tabi ng Park. Naglakad na uli kami pa-akyat naman sa Session Road para kumain.

Kinabukasan, namasyal kami sa Camp John Hay at Tam-awan Village. Sa hapon, nagsimba sila. Nag- billiard habang iniintay magbukas ang mga wag-wagan. Pagkatapos ay inikot namin ng dalawang beses ang Harrison Rd para makapamili ng mga murang murang damit (ukay).

Bago umuwi, dumaan kami sa strawberry farm para bumili ng pasalubong.

Tatlong araw namin ginawa yan sa Baguio, ang maglakad at kumain. Kaya naman yung gabing bago kami umalis ng Baguio, nagpa-foot massage kami ni Rae. May massage parlor kasi sa 3rd floor ng La Brea Inn. Lahat ng nagmamasahe ay bulag. Ayos! Base sa experince ko, masarap magmasahe ang bulag.

Tama ako! Ang sarap nga magmasahe ni ateng hindi ko na nakuha ang pangalan. Nakatulog na nga ako habang minamasahe, ginising lang nya ako nung kailangan ko nang bumaliktad para masahihin naman ang likod ng hita ko. Habang nagmamasahe si ate, kumakanta-kanta pa sya ng,

In your eyes I can see my dream’s reflections
In your eyes I found the answers to my questions
In your eyes I can see the reasons why our love’s alive
In your eyes…

Take note, bulag si ate. Tamang soundtrip. Tamang tamang Baguio trip!

0