Walang Malaking Nakapupuwing

Na-tripan kong bumili ng toy camera. Yung camera na plastic, film pa ang gamit at iniikot muna ang film bago makapag-take ng picture. Kaya bukod sa trabaho, kandarapa ako mag-research sa internet kung anong magandang bilin. Dito ko na-discover ay lomography.

Ang lomography ay… i-Google nyo na lang. Ang gamit naman sa lomography ay, syempre, lomography (or lomo) camera. Konti lang ang nakita kong nagtitinda sa Pinas ng lomo camera, karamihan ay online seller. Meron chain store na nagtitinda ng lomo camera, at dahil sensitibong pangyayari ang kwento, tatawagin kong TM ang chain store na ‘to.

Eto na ang simula ng kwento.

Day 1

May TM sa Trinoma kaya dumaan muna ako dito bago umuwi. Okay ang staff. Pinatingin sa akin ang lahat ng nasa display nila. Tinayk-note ko din kung anong mga model ang meron sila para ma-research ko.

Day 2

Decided na akong bumili ng La Sardina sa TM. Sabi kasi sa mga review, La Sardina model ang pinakamadaling gamitin at bagay sa mga beginners. Maraming model ang La Sardina, ang napili ko ay Sapphire Serpent, color blue. Php3995 ang nakalagay sa box. Okay. Pikit mata na naman akong bibili.

Pagdating ko sa counter, itinapat ang barcode scanner sa price sa box. Pero imbes na P3995 ang lumabas na presyo, P4495 ang nag-register na price. Boom boom pow! Hindi ako pumayag na P4495 ang babayaran ko kaya, syempre, nagreklamo ako. Wala naman magawa si ateng nasa cashier dahil yun ang lumabas sa lentek na system nila, hindi daw updated ang barcode na nasa box.

Ang sa akin naman, hindi ko problema kung hindi updated ang system nila o mali ang lecheng barcode. Problemahin nila yun dahil ang babayaran ko lang ay kung anong nakalagay sa item. Dahil hindi kami magkaayos, gusto kong mag-file ng formal complain. Wala silang form para sa complain kaya pinasulat nila ako sa logbook. Pumunta ako sa Concierge ng Trinoma, nireklamo ko din dun ang TM at ang staff nila. Pagbalik ko sa TM, kinuhanan ko ng picture ang price na nakalagay sa item (P3995) at yung item mismo. Yan kasi ang turo sa akin ng abogado kong kaibigan para maireklamo ko din sa DTI. Bago umalis, sabi ng staff na tatawagan nila ako para sa development ng complain ko. Naisip ko kapag hindi nila ako kinontak, that means war.

Day 3

Tinext ako ng manager ng TM. Okay na daw. Pwede na daw akong bumalik uli sa Trinoma para bilhin ang La Sardina Sapphire Serpent ng P3995.

I won!

The moral of the story is know your right. Republic Act 7394 Article 81 also known as the Consumer Act of the Philippines asserts that consumer product shall not be sold at a price higher than that stated in the price tag.

Badtrip na badtrip siguro sa akin ang staff ng TM. Wala akong pakialam.

0