Last Friday Night

May instant pagtatagpo kami nila Vajarl at Kuhrach noong Biyernes. Nag-meet kami sa Megamall, kumain sa Holy Cow! tapos dumiretso sa condo ng nanay ko sa Ortigas. Please take note, condo ni Mamita. Baka maiisip nyong mayaman ako, nagkakamali kayo.

Dahil nakakahiya naman kay Kuhrach na paglakarin ko pa sya dahil bumiyahe pa sya ng dalawang oras (Imus, Cavite to Megamall) para makita kami ni Vaj, sinagest ko na mag-taxi na kami kahit dalawang tambling lang kami papunta sa condo ni Mamita.

Pumunta kami sa likod ng Megamall para mag-abang ng taxi, syempre hindi kami sa taxi stand/lane dahil uber haba ng pila dun. Tyempong tyempo, paglabas namin sa likod ng Megamall, may dumaan na taxi. Bakante. Sumakay agad kami. Binggo! Kapag sineswerte nga naman.

Pagsakay ng taxi, sinabi ko agad kung saan kami.

Tanong ni Taxi Driver, “Sa EDSA po ang daan?!”

Gagu ba u? Iikot pa tayo sa EDSA?! Alam mo naman traffic sa EDSA! Pero syempre hindi ko sinabi yan. Ang sabi ko, “Hindi po, sa San Miguel Ave na po tayo.”

Dahil sa harap ako nakaupo, sina Vaj at Kuh ang nasa likod, narinig kong nagbubulungan sila na ang taas na agad ng metro ng taxi. Dun ko napansin na oo nga! 70 pesos agad ang metro. Syempre pinansin ko.

“Bakit po ang taas na agad ng metro nyo?”, tanong ko.

“Ganyan po talaga, airport taxi po kasi ito.”, sagot ni Taxi Driver.

“Eh bakit dito kayo kumukuha ng pasehero, di ba dapat nasa airport kayo?”, naiirita na me.

“Syempre po, buma-boundary ako.”, sabi ni Taxi Driver.

“Kaya pala walang sumasakay sa inyo.”, naiirita na talaga me.

“Hindi po, marami din pong sumasakay sa akin lalo na kapag rush hour.”

Oo, airpot taxi ang pinapasada mo, mas mahal ang flag down ng taxi mo. Pero mali naman yata na umiikot ka sa Ortigas para lang maka-boundary ng mabilis dahil mahal nga ang flag down rate mo. Hindi talaga ako mapakali. Ginagago ako ni Taxi Driver sa harap ng mga blogger friends ko. This. Is. Not. Happening!

“Hindi po ba illegal ‘tong ginagawa nyo?”, tanong ko.

“Hindi ahhh, ang illegal yung nangongontrata.”

“Eh para naman kaming nangontrata sa taas ng sisingilin nyo sa amin. Ang lapit lang namin eh.”

Nagbigay ng suggestion si Kuh, “Pahingi na lang po ng resibo”. “Oo nga pahingi ng resibo”, I second the motion.

Pagtigil namin, 82 pesos ang metro namin. Take note, dalawang tambling lang ang layo ng tinakbo ng taxi ni Taxi Driver! Pagbigay ko ng 100 pesos, nanghingi na ako ng resibo. Pinindot ni Taxi Driver ang metro para maglabas ng resibo pero walang lumabas na resibo. Naubusan daw sya ng papel. Ang sa akin, hindi ko problema yon.

“Manong, hindi ako aalis dito ng walang resibo.”

Narinig kong lumalabas na sina Vaj at Kuh sa taxi.

“Wala pong papel eh”, dahilan ni Taxi Driver.

“Wala po akong pakialam, kung gusto nyo kahit manual. Kahit sa kahit anong papel kayo magsulat.”

Naghanap sya ng ballpen, wala syang mahanap. Tinanong ako ni Taxi Driver kung meron akong ballpen at papel, wala akong maibigay. Hello?! Gigimik ako, bakit ako magdadala ng ballpen at papel?! Hindi naman ako taxi driver na may nakakairitang pasahero na nag-i-insist ng resibo!

“Wala po talaga”, sabi ni Taxi Driver.

“So, pasensyahan po ha? Illegal po ang hindi pagbibigay ng resibo. Kailangan ko ang plate number at pangalan nyo, magrereklamo po ako sa LTO. Akin na ang sukli ko.”

“Maam naman.. sinakay ko naman kayo ng maayos.”

“Opo, at gusto ko pong bumaba din ng maasyos.”

“Kung gusto nyo po, bawasan natin ng 30 ang bayad nyo.”

Now you’re speaking!

Pumayag ako, sinuklian nya ako ng 50 pesos.

I WON!

0