Tatlong Walang Kwentang Trivia

Una

Mahilig akong gumamit ng chopstick. Sa katunayan, marami akong chopstick sa bahay na ginagamit ko kapag kumakain ng pancit canton o Yakisoba. Nagdala din ako ng chopstick sa opis, ginagamit ko naman kapag kumain ng Cheese Curls, Piatos, chicharon o kahit anong kutkutin. Ang hindi ko lang magawang i-chopstick ay cornick. Kapag cornick na ang kinakain namin, gumagamit na ako ng kutsara.

Ang dahilan? Ayaw kong madumihan ang kamay ko kapag kumakain ng chichiria. Alam mo yun? Yung kukuha ka ng Piatos tapos kakapit ka ng mouse. Yuck!

Pangalawa

Kagabi ko na-realize na wala akong kaibigang ubod ng bait. Karamihan pa nga ng kaibigan ko ay salbahe. Salbahe na, mapang-lait pa. Yung dating akala ko ay mabait ay nagbago din pagdating panahon. But I dont want to elaborate on that. Keri boom boom lang. Kaibigan ko pa din sila.

Kagabi, nagdiner kami ng ilang kaibigan ko. Syempre pa, pinag-usapan namin kung sino ang wala. Ganito ang ilan sa narinig ko,

“Mukha syang aso, yung pugs. May anak na ba yun? Anong anak nya, puppy?”

“Akala ko dati bading yun, tapos nakita ko sila nung girlfriend nya grabe magharutan. Gusto ko sabihan ng Get a room!

“Alam mo yung Beauty and The Beast? Yun! Kamukha nya si Beast!”

Pangatlo

Mahilig ako sa mga tinapay na may laman sa loob katulad ng siopao, empanada at stuffed pandesal sa Ministop. Pero ang pinakapaborito ko ay Jamaican Patties.

(Picture from http://www.ourawesomeplanet.com)

Grabe lang ang pagka-adik ko dito, minsan limang beses ako kumain nyan sa isang linggo. Feeling ko nga yan ang dinner ko mamayang gabi. May isang pagkakataon din na kumain ko ng Jamaican Patties sa almusal, tanghalian at hapunan ng isang araw lang. Ginawa ko na din itong pulutan.

Pang-apat

Wala ng pang-apat. Tatlong walang kwentang trivia lang ang nasa title.

0