Supalpal

Noong isang linggo, nagpa-facial kami ni Vajarl. Ayaw ko naman talaga ng mga ganitong kaartehan shit kaya lang pinilit ako ni Vajarl na magpa-facial. Sino ba naman ako para tumanggi. Ako’y isang hamak na kaibigan lang.

Charught!

Ang totoo, pinilit ko si Vajarl magpa-facial para paghandaan ang umaatikabong kalandian nya. Pero pwede nyo din paniwalaan ang una kong sinabi. At dahil kasama ko na naman si Vajarl, syempre may hindi magandang nangyari sa akin.

Nagpa-facial kami sa malapit lang sa opis. Late dumating si Vaj. Nakasimangot pa kasi badtrip daw yung sinakyan nyang jeep, umaampyas ang ulan diretso sa kanya. Hindi ko na tuloy sya napagalitan na malapit na ma-cancel ang appointment namin dahil late sya.

Dahil madalas kami magpa-facial ni Essy sa pinagpa-facial-an namin ni Vajarl, kilala na ako. Kaya kahit late na kami ay nagawan pa nila ng paraan para maisingit ang appointment namin.

Magkahiwalay kami ng room ni Vaj. Si ateng nag-facial sa akin, suki nya ako. Suki din sya ni Essy. Ma-chika si ate. Sabi nya, matagal nang hindi pumapasyal si Essy kamusta na daw sya. Sagot ko naman ay busy kasi si Essy sa pagsasaka. Akala ni ate nasa Ortigas lang nagtatrabaho si Essy, hindi nya alam na magsasaka talaga ang kapatid ko. Kwento din ni ate na nung last na nagpa-facial si Essy ay pupunta sya ng Malaysia, kamusta naman daw ang trip ng kapatid ko. Kinuwento ko ang mga nagyari kay Essy. Chika galore kami ni ate habang pine-facial nya ako.

Out of the blue, biglang nagtanong si ate,

“Ilang months na ang baby nyo ni sir?!”

Huh? Ilang seconds bago ko na-process ang tanong ni ate.

“Hindi ako buntis.. at saka bakla yung kasama ko!”

“Ay sorry po ma’am. Hindi halata na bakla si sir blah blah blah..”

Nag-tune out na ako sa mga sinabi pa nya. Porke malaki lang ang tyan, buntis na?! Agad agad?! Hindi ba pwedeng matakaw lang muna at mahina ang metabolism shit?!

Hindi ko na chinika pa si ate. Na-hurt me much.

Tuwang tuwa si Vaj nung nagkita kami pagkatapos ng facial. Ganun pala daw magpa-facial, ang sarap! Muntik na nga daw syang makatulog. Atsaka feeling nya ang linis linis nya.

Me? I feel dirrrrty.

0