It’s A Girl Thing

Habang tinatayp ko ito, may mahabang bilugan na nakasaksak sa pekpek ko. Hindi tite o dildo na I’m sure iniisip nyo. Hello?! Nasa opisina kaya ako. Ang tinutukoy kong nakapasok sa pekpek ko ay tampon. Tampon is designed to be inserted into the vagina during menstruation to absorb the flow of menstrual fluid (Wiki).

Bakit ko naisipan gumamit ng tampon? Kasi si Essy. Nung pumunta kami sa Watson, namakyaw sya ng tampon. Kapag gumagamit kasi si Essy ng sanitary napkin, kinakati at nagkakaroon ng rash ang buong vagina nya. Just imagine, buong vagina may rash! Kaya matagal nang gumagamit si Essy ng tampon tuwing may regla sya.

Tinanong ko si Essy kung hindi ba masakit mag-tampon, sabi nya hindi. At take note, virgin pa si Essy. Magpapatalo ba naman ako? Edi bumili din ako ng isang box.

Kaninang umaga pagkagising ko, may mens ako. So this is it, pancit. Pagkakataon ko nang gamitin ang tampon. Pagkaligo, binuksan ko na ang box. May pamphlet na kasama, instruction on how to use tampons na hindi ko binasa dahil sino ba naman ang nagbabasa ng instruction manual? Para lang yan manual na kasama ng bagong camera, hindi mo kailangan basahin lahat, yung iba ay just for reference lang. Kahit hindi mo naman basahin ang buong manual ng camera alam mo kung pano gamitin, iki-click lang ang shutter tapos.

Right.

So katulad ng tampon, ipapasok lang tampon tapos. Tiningnan ko ang pictures, ganun naman. Ipapasok ang tampon, kapag puno na huhugutin na. Hindi ko na kailangan pang basahin ang font size 2 na instruction. Picture perfect na.

Pagkatapos kong ipasok ang buong tampon, parang may mali sa ginawa ko. Feeling ko lang naman. Atsaka naisip ko din pagkatapos na plastic ang pinasok ko, paano ma-aabsorb ng plastic ang mens ko?

Kaya nagbasa na ako. Yung number 3 step ang na-miss ko.

3. Then, gently push the small tube of the applicator into the larger tube, which is already inside your body. Now remove the applicator.

Applicator lang pala yung plastic thingy na buong naipasok ko. Kaya tinapon ko tampon, binasa ko uli ang instruction atsaka ko naikabit ng maayos ang tampon. Effort much!

The moral of the story is: read the fucking manual.

Pictures from Playtex.

0