Mae’s Birthday

Last week, pumunta ako sa Taguig para makikain uli ng napakasarap na lumpiang shanghai kina Mae. Last year nanghula din ako nung birthday ng ate ni Mae, at dahil kinakarir ko na ‘tong pagiging manang bola ko ay nanghula uli ako.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan nagtiwala pa din sila sa kakayanan kong mag-tarot reading shit. Medyo nag-level up na din ako dahil mas maraming cards na ang gamit ko, dati kasi pinipili ko lang ang cards, yung alam ko lang ang ibig sabihin ang ginagamit ko. Ngayon mas marami ng cards, pero kapag nakalimutan ko ang meaning ng card, ayun nanghuhula na talaga ako ng meaning. Dinadaan ko na lang sa kwento, dyan ako magaling! Sa kwento.

Sa birthday ni Mae, may bago akong mix drinks na natutunan, this time lasang Listerine. Masarap naman kung trip mong parang parating nagmumumog.

For your manghuhula party needs, yeah, contact me.

0