Hindi ako expert mag-mix drinks pero may alam ako ng konti.
1. Strongberry
Ingredients:
700ml The Bar Strawberry Vodka
1 litro pack Kool Aid Strawberry
Tubig
Yelo
Ihalo ang vodka at powdered juice sa pitsel. Lagyan ng tubig at yelo. Dahil matamis ang Strongberry, pwede itong gawing chaser sa tequila. Ilang beses na namin ginawa itong chaser, wala akong maalala pagkatapos!
Cost: 3/5
Taste: 4/5
Bangenge Factor*: 5/5 kung gagawing chaser sa tequila. 3/5 kung Strongberry lang ang iinumin.
2. Gimenez
Ingredients:
360 ml Gin bilog
1 litro pack Oishi Sunday’s Melon
1 sachet brown Kopiko coffee
Tubig
Yelo
Ihalo sa pitsel ang gin bilog at tubig. Sa hiwalay na baso, tunawin sa tubig ang melon at kape, ito ay para masiguradong tunaw lahat ang powder. Ibuhos ang natunaw na powder sa pitsel kasama ang gin at tubig. Lagyan ng yelo.
Siguro iniisip nyo na ang sagwang magkasama ng melon at kape… pwes tama ang iniisip nyo! Ang awkward nga nila paghaluin at kailangan munang makasanayan ang lasa bago masabing masarap ang Gimenez. Pero once na nakuha mo na ang lasa, paniguradong hahanap hapin ang timpla.
Sino si Gimenez? Ang Gimenez ay galing sa pinagsamasamang GIN (gin bilog), ME (melon) at NEZ (Nescafe coffee pero mas masarap sa mix drinks na ito ang Kopiko).
Cost: 2/5
Taste: 5/5
Bangenge Factor: 3/5
3. Ladies Drink
Ingredients:
1.5 liter Sprite
1 bottle Red Horse mucho
1 700ml GSM BlueYelo
Pinakasimple sa lahat! Walang panghuhula kung gaano kadaming tubig ang ilalagay basta paghahaluhaluin lang ang Sprite, GSM Blue at Red Horse. Lagyan ng yelo pagkatapos. Ang challenge lang sa pagtimpla ng Ladies Drink ay kung saan magtitimpla. Ang dami kasi ng tatlong bote para magkasya sa normal na pitsel kaya ang ginagawa namin…

Galing kay Kuh ang photo.
Sa kaserola kami naghahalo. Parang nanay lang na nagluluto ng soup. So lady! So, Ladies Drink. Connect the dots, ganyan. I’m so henyo!
Cost: 4/5
Taste: 4/5
Bangenge Factor: 4/5
4. C2-Like
Ingredients:
1 litro pack Green Apple Icetea (8 O’clock)
1 Gin bilog
Tubig
Yelo
Ihalo ang Green Apple Icetea at gin bilog juice sa pitsel na may tubig. Lagyan ng yelo. Nung una ko itong natikman akala ko walang dating pero sa ngayon eto ang pinakapaborito ko. Very refreshing ang lasa. Ang C2-Like ang pinakamatipid. Pwede kang magpainom ng buong barangay.
Masarap na pulutan sa C2-Like ang mga prutas katulad ng mangga, apple at grapes. Healthy shit ang peg!
Cost: 5/5
Taste: 5/5
Bangenge Factor: 4/5
Rating Guide:
Cost:
5 – Dirt cheap
4 – Cheap
3 – Tama lang
2 – Kinda Expensive
1 – Expensive
Taste:
5 – Very good
4 – Good
3 – Tama lang
2 – Not good
1 – Mag-beer ka na lang.
Bangenge Factor:
5 – Walang maalala kinabukasan
4 – Partee mode
3 – Banayad at may tamang kwentuhan
2 – Kailangan mag-level up
1 – Matulog ka na lang.