Salbehe

Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Salbehe ang screen name ko, Salve ang tunay kong pangalan. Noong college bininyagang Salveje, ganyan ang original spelling dahil mahina ako sa ispeling ay naging Salbehe. Salve ang ipinangalan sa akin bilang pagpupugay sa Nuestra Señora de Salvacion na Patroness of the Diocese of Legazpi, Albay. Napaka-holy ng etymology ng pangalan ko kaya kahit hindi bagay sa akin, sana may konting paggalang naman.

Ipinanganak noong Marso 21, 1982 sa Legazpi City, nirehistro sa Oas, Albay, lumaki sa Sta.Cruz, Laguna. Nag-aral sa Los Banos. Kasalukuyang nagtatrabaho sa Makati bilang Data Analyst. Naglulungga sa Quezon City. Hindi ko tinatago ang mukha at edad ko. Status: Married. My husband is great, sa lahat ng aspeto. [Insert maligalig na tawa here]

Nagtapos ng kursong B.S. Statistics sa loob ng apat at kalahating taon. Sinisisi ko ang isang semester na extension sa Object Oriented Programming at kay Duldulao. Kinuha ang kursong Statistics dahil yan ang nakopya ko noong nag-fi-fill-up ng UPCAT form. Masaya sa nakopyang propesyon dahil ako lang ang nakakaintindi ng trabaho ko and nobody wants my job.

Naniniwalang hindi importante ang relihiyon sa buhay. Naikukwento ko ang aking kabastusan, pero naniniwala akong hindi ako malandi. Scrap that, manlalandi na ako. Hindi bumoboto. Naniniwala malibog ang lahat ng tao. Mahilig kumanta, pero walang hilig ang kanta sa akin. Hindi din marunong sumayaw pero laging pinapasayaw. Natutong mag-DOTA dahil sa pag-ibig. Hayperaktib sa social network. Mahilig magsulat, eto nagpapanggap na marunong.

Mahilig ako sa mga pakulo. Sumasali sa mga pakontes sa blog. Madalas manalo sa Binggo kaya ayaw na ng mga orgmates ko na sumali pa ako kapag may pa-Binggo. Tumataya sa Lotto tuwing ika-21 ng buwan. Minsan nagpapakontest ako o nagbebenta ng mga gamit sa napakamurang halaga (rummage). Aabutin ng dalawang araw ang reply ko sa text lalo na kung hindi tayo pareho ng telecom, pero mahilig akong magforward ng simpleng “Good morning” o kung anong anek anek. Mahilig din akong mag-eksperimento, sa ngayon blond ang buhok ko. Seryoso.

Lagi kong nababanggit na iilang prinsipyo na lang ang natitira sa buhay ko, ang iilang prinsipyong yun ay gusto kong panindigan. Katulad ng hindi paninigarilyo at hindi pagmumura. Para sa akin, hindi mura ang sumusunod:

Tae - Anong masama sa tae? Lahat tayo tumatae.
Shit - Ingles lang ng tae.
Leche – gatas sa Spanish.
Punyeta – in Spanish, to pound, to hammer

Tanga, bobo, tarandato, siraulo are all adjectives. Tite, puke, pekpek, bayag, dede, utong, boobs are parts of the body (anatomy). Sana pareho kami ng paniniwala ng magulang ko, Facebook Ads at Google Adsense. Na-reject kasi ang mga application ko para maglagay ng ads dito sa blog ko due to adult content. Punyeta, hindi naman ako nagmumura.

Mahirap palang gumawa ng About, hindi ko alam kung sobrang impormasyon na ang naisulat ko, o kulang pa. Marami pa sana akong gustong sabihin. Hindi naman sa madamot ako sa impormasyon pero hanggang dito na lang. Maari akong i-email (salbehe @ hotmail . com) kung may iba pang tanong. Hindi ako isnabera sa email, hindi din ako salbahe. Salbehe ako.

welcome5

* Note: Kaka-accept ko lang ng friend request ng nanay ko sa Facebook. Baka bukas matuto na din syang magbasa ng blog kong ito. Hello hello Mamita! Nagbabasa na ng blog kong ito si Mamita.

Comments or questions are welcome.

* (denotes required field)
0