I’m not a morning person. Hindi mo ako makikitang gumising sa umaga na may malaking ngiti sa mukha, masiglang bumabangon at binabati nang buong sigla ang umagang kay ganda na katulad ng nakikita sa mga commercial ng kape. Para kanino ka bumabangon? Tae na, shit pa. Ang sarap sarap matulog para bumangon.
Napaka-unfair ng mother-fucking-earth sa mga taong katulad ko na hindi pinalad magkaroon ng sigla sa pagmulat ng mata. Pwede ba, wala tayo sa Batibot. Bakit kailangan na palaging umaga ang flag ceremony? Dapat ay may special na ekwelahan para sa amin kung saan alas dyes pa ang first period. Bakit call center company lang ang may karapatang mag-time-in ng alas dos ng hapon? Bakit karamihan ng kumpanya ay kailangan na eight to five ang working hours? Nasaan ang katarungan at hustisya? Oh cruel world, kill me now.
Kagabi, bago matulog, kinausap ko nang maayos ang sarili ko. Ang sabi ko, kailangan kong magising nang maaga dahil pagkatapos ng long weekend ay paniguradong dadagsa ang tao sa MRT. Hindi na ako nagulat nang binigo ko na naman ako ng sarili ko. Pagkatapos ng sampung snooze, sampung “Five minutes pa.” at sampung alarm ay tsaka ko palang nakumbisi sa wakas ang sarili ko kailangang kailangan ko na talagang tumayo, maligo at makipagsiksikan sa MRT. Alas dyes na ako nakarating sa opis, dalawang oras na late. All time high record. Ako na ang kasing kapal ng kalyo ang mukha.
Sabi ng mga psychiatrist, ang mga tao daw na mahirap gumising sa umaga ay takot (subconciously) harapin ang mga hamon sa buhay. Kalokohan. Mga mapanghusga! I love life, it’s just the mornings I hate.
+++++++++++++++++++++++++++++
Ito ay para sa Same Shit, Different Day pakontes ni Lio Loco.
+++++++++++++++++++++++++++++
Pwede din na same post, different date.