Sa totoo lang, karamihan sa mga iniinom nating alcohol ay mapaet. Kailangan pang haluan ng strarberry juice o kape o Sprite para sumarap ng kaunti. Pero alam naman natin na hindi ang lasa ng alak ang nagpapasarap sa inuman bagkus ay yung kung anong mang kalokohang ginagawa ng iyong mga kainuman.

Halimbawa ay yung dati kong ka-opisina na tuwing magkatrabaho kami ay uber ng bait, masunurin, mahinhin at tahimik pero huwag ka, sumasayaw sa ibabaw ng lamesa kapag lasing na. Good times yun, good times!

May kaibigan naman akong namumula kapag nakaka-inom, para hindi mapansin ang pagkapula nya ay pinupolbusan nya nang bonggang jabongga ang buong mukha at katawan nya. Hindi nga sya halatang nakainom, pero mukha naman syang nagbabad sa pabrika ng espasol.

May kakilala naman ako na kumakanta na umaagaw pa ng kanta ng iba sa videoke, may isa din na dumodoble ang kalandian, may sumusuka, may tumatakbo, may umi-ispokening dollar, may nagkakalabasan ng sama ng loob, may naghihimala, may nananakot tungkol sa engkano, white lady at mga gumagalang ispirito. I’m sure may sarili ka ding kwento, pero dahil blog ko ito ay kwento ko ito. Alcohol makes me so much prettier!

Hagdan.jpg

Alcohol.jpg

HS.jpg

Hindi ko maalala kung sinong pinagtatawanan namin ng lamesa.

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·

Text Addicts

03 May 2011

Maraming nagte-text sa akin na hindi ko kilala mula nang nagpalit ako ng sim. Mga nagbebenta ng insurance, nang-aalok ng cash loan with as low as 1.25% interest per month (No collateral, no cash out, fast approval!), nagbebenta ng t-shirt, at syempre hindi nawawala ang mga adik.

+639084482xxx: Te dada, c angelyn po ito ung yaya ni angelo, sbe nyo po hnd ako magpapalit ng sim.ako po ung nakapag asawa ng taga pangasinan te.kinu kumusta kulang po kayo.

Salbehe: Sorry iha hindi kita kilala

+639084482xxx: Pasnsya na po kng naka storbo po ako. ngaun kulang po kc nakita number nyo. cge po salamat.

Angelyn, nung sinabihan ka ni Te dada na huwag kang magpalit ng sim, mukhang si Te dada mo ang agad na nagpalit ng sim. Tinext mong ngayon mo lang nakita ang number ko, naisip mo bang baka hindi kay Te dada ang number ko? Kulang kulang ka siguro sa pag-iisip.

+639277928xxx: Ask k lng kng to ung may xtreme service n bnbnta?

Salbehe: Hindi po

+639277928xxx: Magkano po ang last price?

Salbehe: Hindi ako nagbebenta ng kahit ano

+639277928xxx: Tnw po pcncia na

I therefore conclude na ang dating may-ari ng number ko ay pokpok.

Extreme Service Extreme Service

At sige na, ako na ang may pinakamaduming utak. LOLOLOLOL!

Side story: "Oo! Ako na ang Adik!"

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·
The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: