Rapunzel

01 Feb 2012

In this version of Rapunzel, the evil bitch won.

Gumigising ako ng 5:30AM tuwing umaga. Maliligo, magtu-toothbrush, maglalagay ng blush-on, mag-lo-lotion, ang daming arte kaya makakaalis ako ng bahay ng 6:30AM. Sasakay ako ng tricycle, fx, mrt at jeep papuntang opis. Medyo may kalayuan kasi ang Novaliches sa Makati pero hindi ako nagre-reklamo, nagku-kwento lang.

Pinaka-hassle sa byahe ko ang pagsakay sa MRT. Iniisip ko na lang na exercise sa akin ang pumili, makipagsiksikan, makipagtulakan at umakyat-bumaba sa MRT. Madalas din akong nakatayo kaya pag baba ko ng MRT ay halos ma-drain na ang kung ano mang natirang powers ko. Kaya sana pag-upo ko sa jeep papuntang opis ay smooth sailing na ang byahe. Pero nasa Pilipinas ako at maraming nakakairita sa Pilipinas.

Maikli lang ang buhok ko since birth. Kapag medyo naaabot na ng dulo ng buhok ang balikat ko ay kating kati na akong magpagupit. Hindi ako sanay sa long hair. Minsan naiinggit ako sa mga babaeng may super silky smooth long black hair, pero minsan lang yun. Lalo na kapag nakakasabay ko sila sa jeep at nakabuyangyang ang kanilang super silky smooth long black hair, gusto ko silang ibili ng pang-ipit ng buhok.

Katulad kahapon. Pagsakay ko ng jeep ay nakalapit ko sa upuan ang babaeng may super silky smooth long black hair na hindi nakatali. Nasa likod nya ako kaya pag-andar ng jeep ay nasa mukha ko ang buhok nya. Literally, in my face! Gusto ko sanang kumuha ng gunting para gupitan si Ate pero wala naman pala akong dalang gunting.

At ang matindi pa nito, walang pakialam si Ate sa buhok nya. Pinapabayaan lang nyang liparin ang buhok nya. Nakasimangot na ako. Pambihira. Pagkatapos kong tumayo sa MRT ganito pa ang mangyayari sa jeep. Hindi na ako nakatiis, kinalabit ko si Ate,

“Miss, kumakain ka ba ng buhok?”, tanong ko.

“Hindi”, sagot ni Ate.

“Ako din eh.”

I win! Nagtali sya ng buhok.

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·

It Depends

17 Jan 2012

Papunta kami sa Megamall, kasama ko si Essy at Emon, para manonood ng Sherlock Holmes 2. Sinasama din namin si Mamita para may bibili ng popcorn at soda, kaya lang tinatamad sya atsaka may parating syang bisita.

“Sige na, Mamita, kahit sumunod na lang kayo”, sabi ni Essy. Alam ko na ang iniisip ni Essy, pinapasunod nya si Mamita  para pagkatapos manood ng movie, ime-meet namin si Mamita para magpalibre ng pagkain. Minsan lang namin mauto si Mamita kaya sinusunggaban talaga namim kapag may pagkakataon.

“It depends.”, sagot ni Mamita.

Biglang sumabat si Emon, “Mahirap yan.” Yung mukha ni Emon, seryosong seryoso.

Naguluhan kami.

“Anong mahirap dun?”, tanong ni Essy.

“Kumain ng bakod.”

Katahimikan.

Katahimikan.

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·
The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: