Numbers

26 Dec 2011

Binigyan ni Papito si Mamita ng iPad noong huling uwi nya. Tuwang tuwang kami kahit hindi naman sa amin yun at alam namin na sandali lang namin mahihiram ang iPad ni Mamita. Syempre para hindi naman kami magmukhang newbie at dukha kapag may iPad ang ibang kakilala namin. Alam namin kung papaano magpa-slide slide, mag-Angry Bird at kung ano ano pang shit sa iPad.

Sa iPad din ni Mamita kami unang nakabasa ng ebook. Cute na cute ako sa kwento ng The Princess and The Penis.


May password ang iPad ni Mamita, dahil halos lahat kami ay nakikidutdut sa iPad nya, alam na namin ang password nya. Naiinis si Mamita kasi kapag sya na ang gagamit ng iPad nya, wala ng battery kakagamit namin. Kaya one day isang araw, naisipan nyang magpalit ng password.

Sa mga newbie at dukha na walang iPad (joke lang!) number ang password sa iPad. Nakwento ko na ba na bukod sa pagkukwenta ng pera ay bobo si Mamita pagdating sa number? Kaya pagkapalit nya ng password sa iPad nya.. boom! Nakalimutan na nya ang password. Isinulat naman daw nya ang password sa papel, ang siste, nawala din ang papel na pinagsulatan nya.

Bottom line (bumo-bottom line?), wala nang nakakagamit ng iPad nya.

May isa pa akong kwento tungkol sa kabanoan ng nanay ko sa numbers.

One day isang araw, nanaginip ang nanay ko ng numbers. Anim na numero. Pagkapanaginip nya, isinulat nya agad ang amin na number sa papel para hindi nya makalimutan. Natulog na uli sya.

Kinabukasan, habang nag-aalmusal, naalala ni Mamita ang panaginip nya at kinuwento nya ito kay Ate Iding, yung kasama namin sa bahay. Dahil hindi naman tumataya ng lotto si Mamita, si Ate Iding ang nagsabi na numero yun para sa lotto, sa 6/45 draw. Jackpot Prize: P34,728,798.40.

Binigay ni Mamita kay Ate Iding ang papel kung saan nakasulat ang anim na magic number na makapagpapaahon sa aming kahirapan. Chos! Pagkalinis ni Ate Iding ng bahay, nawala na din ang papel kung saan nakasulat ang anim na magic number na makapagpapaahon sa aming kahirapan. Dalawang araw naghanap si Mamita at Ate Iding ng papel na yun pero wala na talaga.

Alam nyo ang kasabihan na kapag nanaginip ka daw ng numero ay yayaman ka? Bullshit yun.

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·

Habang nasa MRT, papunta kami sa lakad na hindi ko na matandaan kung saan, na-ambush interview ko si Harvey. Pagpasensyahan nyo na ang blog ko kung namumutaktik kwentong Harvey kasi wala na talaga akong maikwento bukod sa busy ako sa month-end, quarter-end at year-end projects sa opisina. Huwag kayong mag-alala, if I work hard, I make sure that I party harder. Kapos nga lang sa oras para makapagkwento.

Ang haba ng segwey ko.

Balik tayo nung nasa MRT kami papunta sa lakad na hindi ko na matandaan kung saan, na-ambush interview ko si Harvey.

Salbehe: Vey, anong gusto mong regalo sa Pasko?

Vey = Short for Harvey. Walang ibang kahulugan kahit maraming tumataas ang kilay dahil katunog ng pinaikling “Baby”. Yuck lang, ang laki ni Harvey para maging “Baby”.

Harvey: Hindi ka naman nagpapasko di ba? Okay lang kahit hindi mo ako regaluhan.

Salbehe: Okay lang, gusto kitang regaluhan. Dali! Anong gusto mong regalo! *kulet mode on*

Harvey: Kahit ano na lang..

Salbehe: Bag? Gusto mo ng bag? Backpack?

Harvey: Sige. Okay lang..

Tumahimik na kami.

 

Pero hindi natahimik ang aking inner self. Autistic?!

Salbehe: Vey, hindi mo ba tatanungin kung anong gusto kong regalo sa Pasko?

Harvey: Sige na nga! Anong gusto mong rega—

Salbehe: Kindle!

Harvey: —lo sa Pasko?

Salbehe: Kindle nga, kulet nito!

Harvey: Hindi! Hindi ito maaari. Hindi yan ang gusto mo.

Salbehe: Sure na!

Harvey: Huwalangya ka, naisahan mo na naman ako.

Tumahimik na ako.

 

 

Pero hindi natahimik ang inner self ni Harvey. Autistic din?!

Harvey: Saan ako bibili nun?

Salbehe: Online eh. Gusto mo, ako mag-o-order tapos bayaran mo sa akin.

Harvey: Bweset ka.

Binibigyan ko lang ang carrier ng isang araw na grace period para malate ng delivery. May magigilitan ng leeg kapag walang dumating na Kindle bukas. I’m warning you, DHL.

Fa la la la la! La la la la!

· · · ◊ ◊ ◊ · · ·
The US Senate will vote on the internet censorship bill. Whilst it is an American law, it has far reaching repurcusions for the web as a whole. This site is against SOPA/PIPA and Internet Censorship.

1
Anything decent in this blog is because of my parents, anything else is simply not their fault. Spelling and grammar check is off. Please beer with me.

Pleasure Shop Philippines

May bumabagabag ba sa iyong kaloob-looban? Hookay.

Name*:

E-Mail*:

Message*: